Advertisers

Advertisers

Carla na-bash nang umaray sa taas ng presyo ng gasolina

0 208

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAMA at ramdam na nga ng sambay anan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Lalo na nga raw patuloy pa rin ang bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine na tinuturong dahilan para mas lalo pang lumobo ang petrolyo.
Kasabay ng pagtaas ng gasolina ay asahan na raw na tataas din ang mga presyo ng bilihin.
Kaya isa si Carla Abellana na ibinahagi ang pagkadismaya sa grabeng taas ng presyo ng gasolina.
Sa latest post ng Kapuso actress sa kanyang IG ay talaga namang ipinabatid nito ang kanyang dating sa taas ng petrolyo.
May caption ito sa kanyang post habang nagpapagasolina na ” di pa full tank ‘yan!”
Nagpakarga raw si Carla kamakailan na umabot lang ng 76.162 na ang halaga ay ikinaloka nito.
Gustong tumili ng walang sound si Carla dahil ang mahal na raw magpagasolina ngayon.
Kaya may mga basher na napa-react at sinabihan si Carla na di lang dito sa bansa ang pagtaas ng presyo ng gasolina kungdi pangdaigdigan na.
May nagtanggol naman sa actress na sinasabi lang nito ang kanyang nadarama at kahit artista ay wala na ba raw karapatang naapektuhan.
***
FAITH T. BORRETA MAGTATAPOS NA CUM LAUDE SA KURSONG TOURISM SA LYCEUM MANILA
WALA namang pagsidlan ng tuwa ang mga magulang ni Faith T. Borreta o kilala sa tawag na Apple dahil nagbunga na ang paghihirap ng mga magulang na sina Meriam at Edgar na maigapang ang pag-aaral ng anak.
Sa Oktubre 19 taong kasalukuyan ay magtatapos na si Faith sa kursong BS Tourism sa Lyceum Manila with honors.
Kaya ganun na lang ang kasiyahan ng magulang at mga kaanak ni Faith dahil Cum Laude itong magtatapos sa napiling kurso.
Sa kabila ng pagiging busy sa kanyang pag-aaral ay naisisingit pa ni Faith ang pagrampa kapag may mga fashion show ang Elite Royalties.
Bukod sa pagiging model ay naging bahagi rin ito sa youth oriented talk show sa DZME before at naging kasapi sa isang sing and dance female group na mala K-Pop ang peg.
Kahit naman ang kapwa nito models sa Elite Royalties ay masaya sa matatanggap na karangalan ni Faith sa Oktubre 19 bilang Cum Laude sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral na gaganapin sa PICC.
Nasulit ang pagod at hirap sa tulungan nina Meriam at Edgar na maigapang ang pag-aaral ng anak na ang resulta ay karangalan na matatanggap ni Faith sa kanyang pag-aaral na sila mismo ang magsasabit ng medalya.
Bonggacious! Congratulations!.
Well, well, well…’Yun na!