Advertisers
Laro sa Miyerkules
PhilSports Arena
(3:00pm) Meralco vs. Phoenix
(5:45pm) TNT vs. NLEX
KATITING lang ang inaksayang oras ng Bay Area para angkinin ang 113-87 panalo laban sa San Miguel Beer, Linggo sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Andrew Nicholson ng 39 points at paghalukay ng 12 rebounds para pamunuan ang sustenadong atake ng Dragons na niragasa karaka sa opening quarter at inangkla ang momentum sa laro.
Sanib- puwersa sina Hayden Blankley, Kobey Lam at Zhu Songwei para sa pinagsamang 49 points at dagdag si Liu Chuanxing ng 12 points at 10 rebounds kung saan bumangon ang Bay Area mula sa matinding 93-111 talo kontra Barangay Ginebra sa nakalipas na linggo at ngayo’y may markang 5-1 overall.
Inamin ni winning coach Brian Goorjian ang pagkatalo sa Gin Kings ang nag-udyok sa tropa para pagbutihin ang laro, lalo na sa paghawak ng istilong pisikal na paglalaro sa PBA.
“We didn’t get physically manhandled… we moved the ball a lot better and… we learned from the loss, which was nice to see, and we got better against a quality team,” sambit ni Goorjian.
“So we’re happy with tonight’s performance.”
Maliban sa ilan pagkakataon, bigo ang Beermen na ihaon ang karampatang istratehiya kung saan wala ni isa sa natitirang players ni coach Leo Austria na mapunuan ang kahong naiwan ni prized center June Mar Fajardo na itinabi muna at lasapin ang 1-2 record.
Si Fajardo, na may averaged 22 points, 12 rebounds at 4.0 assists sa unang dalawang laro ng SMB ay sumailalim sa operasyon ng kanyang lalamunan noong nakalipas na linggo at inaasahang mamahinga muna ng halos isang buwan, na magreresulta ng apat na asignatura o walong araw na wala ang inaasahang serbisyo para sa kanyang koponan umpisa sa Biyernes. (Louis Pangilinan )