Advertisers
Mukhang lumalabo na magtagal pa si Draymond Green sa Golden State. Eligible si Green sa extension ng contract ngayong taon habang may player option next season na $27.5M. Paniwala ng marami ay dapat bigyan na siya ng max gaya nina Steph Curry at Klay Thompson. Silang tatlo kasi ang mga superstar ng prangkisa noon pa man.
Kaso nagkaroon sila ng sigalot ni Jordan Poole. Nagkainitan ang beterano at ang guard sa ensayo. Nauwi sa suntukan at na-leak pa sa media and video ng insidente..
Na fine ang batikang forward bilang parusa. Tapos napabalita na pinagkalooban na sina Poole at Andrew Wiggins ng pagpapalawig ng kasunduan. Itong kay Jordan P ay apat na taon na $123M na pwedeng umabot pa sa $140M habang ang kay Andrew W ay apat na taon din at nagkakahalaga naman ng $109M. Hala, bakit mas mataas ang kay Poole kaysa kay Wiggins tanong ni Ka Berong? Baligtad daw dapat!
Pero hanggang ngayon walang linaw ang kay Draymond.
Umugong pa ang tsismis na maaari siyang i-trade tulad sa Lakers para makasama ang kaibigang si LeBron James. Nguni’t kung si Russell Westbrook ang kapalit ay hindi naman papayag diyan sina Coach Steve Kerr.
Go or no go nga ba?
***
Nakikiramay tayo kay ex- MICAA player na si Rico Acuña. Yumao ang kanyang asawang si Jean Garcia na mula sa pamilya ng mga pulitiko sa Bukidnon.
Batchmate natin sa elementary sa Paco Catholic School. Noon pa lang ay matangkad na siya at mahusay na maglaro.
Na recruit sa Mapua High School ni Coach Ike Liiwanag. Pero muntik siyang hindi tumuloy sa tryout dahil nakita niya doon ang tulad nina Atoy Co nagdadunk at Freddie Hubalde na tumitira sa malayo. Nanliit siya. Mabuti raw at nakita si Coach Ike na ipinaliwanag na college team yon at sa high school pa lang siya dapat sumali.
Mga pitong taon na raw nagdadialysis ang miss bago ito nalagutan ng hininga. May apat silang anak na babae na lahat ay propesyunal na.
Matagal na nagtrabaho si Rico sa PAGCOR matapos ang career sa basketball.
Isa sa pinaglaruan niya sa commercial league ay sa Presto ng CFC. Ilan sa kasabay niya doon ay sina Manny Victorino, Joel Banal, Noel at Joel Guzman at Woodrow Jaymalin.
Binurol si Mrs Acuña sa Holy Trinity sa Sucat, Parañaque. Na-creamate siya noong Linggo ng hapon.