Advertisers

Advertisers

Ismagel na asukal nasabat ng BoC

0 215

Advertisers

NASABAT ng Bureau of Customs ang 76 containers ng smuggled na asukal mula sa Thailand.

Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, walang kaukulang mga dokumento ang imported sugar na nakalagay sa 76 containers at may kabuuan 1,906 metric tons na nagkakahalaga ng P228 milyon.

Kada container van ay may lamang 500 sako ng asukal.



Pinapurihan ni Ruiz ang kaniyang mga tauhan lalo na’t malulugi ang local producers sakaling mailabas ito sa merkado.

Agad na inisyuhan ng warrant of seizure and detention ang mga kargamento kasabay ng malalimang imbestigasyon para malaman kung paano ito nakapasok sa bansa at sino ang mga nasa likod ng pagpuslit nito.