Advertisers

Advertisers

MIPCOM CANNES DINALUHAN NI REP. ARJO ATAYDE

0 184

Advertisers

BILANG Vice-chair ng Creative Industry and Performing Arts Committee ng 19th Congress ay kasalukuyang nasa MIPCOM Cannes sa French Riviera ang Quezon City District 1 (QCD1) Representative na si Arjo Atayde para sa espesyal na screening ng pilot episode ng Cattleya Killer, na unang international na seryeng prinodyus ng ABS-CBN International Productions at ng Nathan Studios Inc.

Ang MIPCOM Cannes ay ang pinakamalaking merkado ng content sa buong mundo at bahagi ng mga responsibilidad ni Atayde bilang vice-chair ng kumite ay ang pag-promote ng mga pelikula at seryeng Pinoy sa global community.

Ito ang unang pagkakataon kung saan ipapalabas ang isang proudly made Filipino series sa mga industry decision makers upang makakuha ito ng global distribution partner.



Ang Cattleya Killer ay ang unang mainstream starring role ni Atayde mula ng ito ay nagwagi sa Congressional race sa Unang Distrito ng Quezon City nuong nakaraang eleksyon nung Mayo. Mula noon, mahigit na 41 bills na ang naiakda ni Atayde, kasama na rito ang HB 457 na naglalayong i-deklara ang Quezon City bilang Film and TV Arts capital ng bansa at pati na rin ang HB 459 na isang bill ukol sa occupational safety ng mga artists at manggagawa sa sektor ng pelikula at telebisyon.