Advertisers

Advertisers

Pekeng tauhan ng BI timbog sa entrapment

0 172

Advertisers

ARESTADO ang isang babae na nagpakilalang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa entrapment operation ng Manila Police District (MPD) nang tanggapin ang pera buhat sa lalaki na pinangakuan niya ng mabilis na proseso para makalabas ng bansa, Linggo ng gabi sa Intramuros, Maynila.

Itinago muna ng MPD-Anti Cyber Crime Team (MDACT) ang pagkakakilanlan ng suspek na 46 anyos, taga-Pasay City, upang hindi maalarma ang mga posibleng kasabwat nito.

Sa ulat, isang 36- anyos na babae mula Sta. Rosa, Laguna ang unang nagreklamo sa pagtangay ng suspek ng P11,000 sa kaniya na downpayment nang pangakuan na mabilis na proseso na makalalabas ng bansa. Sa kabila nito, bigong makalabas ng bansa ang biktima nang patuloy pang manghingi sa kaniya ng karagdagang pera ang suspek.



Isang lalaki naman na itinago sa alyas na “Roldab” ang hiningan din ng suspek ng P50,000 kapalit ng pangako na i-eskortan siya sa paliparan para makapag-abroad.

Nagkasa ang pulisya ng entrapment sa loob ng isang coffee shop sa tapat ng tanggapan ng BI sa Intramuros 6:30 Linggo ng gabi.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga pulis nang tanggapin ang boodle at marked money buhat sa kaniyang kliyente. Nakumpiska sa kaniya ang isang Philippine passport, 5 iba’t ibang IDs, 4 iba’t ibang bank accounts, debit card, at isang mobile phone.

Dinala sa MPD-Ermita Police Station ang suspek na sinampahan ng Estafa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">