Advertisers

Advertisers

S2 NG PANGASINAN PNP, KALADKAD SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA ANG PANGALAN NI PD FANGED?

0 259

Advertisers

Salbahe pala sa dilang salbahe ang nakaupong S2 ng Pangasinan Provincial Police Office.

Gamit at kaladkad nito ang malinis na pangalan ni Provincial Director, Colonel Jeff Fanged sa pangongolekta ng payola.

Umiikot umano ang mga tauhan ni S2 na pansamantalang di muna natin babanggitin ang pangalan para mangalap ng “intelihensiya” or in others words, PAYOLA mula sa mga gambling lords ng probinsiya.



May pagka-lahing ASO pala itong si S2, patalikod kung tirahin si PD Fanged.

Pa-traydor.

In short, lantarang tinotolongges nitong si S2 ang mismong Pangasinan PNP Director na si Colonel Jeff Fanged.

Nagpatawag pa umano ng “meeting” itong si S2 sa mga gambling operators ng lalawigan gamit ang isa pang ulol na pekeng taga-media para i-discuss ang umano’y hinihinging kotong o regular na lagay ni Col. Fanged.

What the fuck?



Garapalang paggamit sa pangalan ni PD Fanged sa protection racket sa illegal gambling operation.

Kawawa naman pala itong si Colonel Fanged, tinotolongges na ni S2,ginagawa pang kuwadrado ang ulo ni PD dahil sa dami ng pambubukol na ginagawa.

Mukhang walanghiya talaga ang damuhong si S2, walang takot na gamitin ang pangalan ni PD Fanged sa pangungulekta ng payola.

Putok na putok sa buong Pangasinan ang gawaing ito ni S2 kaladkad ang malinis na pangalan ng kanilang provinncial director.

Kaya naman pala kay Colonel Fanged napupunta ang galit at inis ng marami sa mga Pangasinenses dahil sa pagiging matakaw at buraot nitong si S2 sa intelihensiya.

No wonder, mistulang Las Vegas na ang buong probinsiya ng Pangasinan sa dami ng mga iligal na pasugalan.

Gaya ng sitwasyon sa Urdaneta City at sa Manaoag kung saan nagkalat ang mga puwesto ng peryang may sugal.

Ang masakit dito, ang sagrado at pamosong simbahan ng Manaoag ay tila nilapastangan na rin dahil napapalibutan na nga ng mga peryang may sugal.

Halos lahat na umano ng bayan sa Pangasinan ay mga mga iligal na sugalan na rin.

Bukod sa peryahang may sugal, largado na rin ang online sabong sa buong lalawigan kung saan mismong si S2 ang direktang kausap ng mga operators.

Dahil certified BUKOLERO itong si S2, hands on ito kung mangulekta ng intelihensiya.

Takut na takot na mabukulan gaya ng ginagawa nito kay Colonel Fanged.

Ngayong ibinulgar na natin sa “mainstream media”ang talamak na panonolongges nitong si S2 kay Col. Fanged, ewan ko lamang kung ano namang alibi at pagsisinungaling ang gagawin ng tarantado once kinompronta ni PD Fanged.

Hindi lamang sa Pangasinan PNP sasabog ang iskandalong ito kundi sa buong institusyon ng pambansang kapulisan lalo na sa Kampo Crame kung saan naroroon ang tanggapan ni Chief PNP, General Rodolfo Azurin Jr. na very particular sa mga ganitong istilo nang panghihingi ng payola sa mga iligalista.

Paging IMEG, paki kalos nga ang mga ganitong opisyal ng PNP na sobra ang TAKAW sa intelihensiya.

Kawalang respeto sa pagkatao at ranggo nitong si Colonel Fanged ang tahasang ginagawa ng damuhong si S2 na mistulang AHAS sa pagsaksak nang talikuran sa kanyang among opisyal.

May kasunod…

Abangan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com