Advertisers

Advertisers

Sey ni Mommy Sylvia…Ria at Zanjoe dating stage pa lang; Rabiya at Jeric nangangamoy balikan

0 188

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA kanyang naging panayam kay Korina Sanchez sa show nitong Korina Interviews ay sinabi ni Sylvia Sanchez na nasa dating stage pa lang ang anak niyang si Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Hindi pa raw magkarelasyon ang dalawa.
Sabi ni Sylvia,“Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay eh. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw.”
Aniya pa, hindi raw niya masabi kung in a relationship na nga ba ang dalawa dahil wala pang update sa kanya ang anak.
“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman e, ganun. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin e. Wala pa talaga.”
Kaya nga raw natatawa siya sa iba pang mga chikang lumalabas ukol kina Ria at Zanjoe gaya ng tsismis na kesyo buntis raw ito o di naman kaya’y kasal na.
“Natatawa ako ‘dun sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal. Hello! Ako muna ang unang makakaalam ano? Ako po nanay,” sey pa ni Sylvia.
Matatandaang unang napabalita na may something kina Ria at Zanjoe nang makita ang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa New York noong August.
Maski nga sa naging birthday celebration ng dating rumored boyfriend ni Ria na si Joshua Garcia ay makikitang magkasama ang dalawa.
.***
SA interview ni Jeric Gonzales sa Pep.ph, tinanong siya kung no ba ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Rabiya Mateo, ang sabi niya,”Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang. Siguro yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life.”
Wala naman daw third party sa paghihiwalay nila ng dating beauty queen.
“Wala naman. Kaya naghiwalay kami nang maayos and hindi kami bitter sa isa’t isa. Kaya pag nagkikita kami, hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward.”
May chance naman daw na magkabalikan pa sila ni Rabiya.
“May chance, may chance,” nakangiting sabi ni Jeric.
Kung makakarating kaya kay Rabiya ang sinabing ito ni Jeric, kiligin kaya siya? At mukhang gustong balikan ni Jeric si Rabiya kaya nasabi niya na may chance na magkaroon ng part 2 ang kanilang relasyon. At siguro alam niya na sa kabila ng hiwalay na nga sila ni Rabiya ay mahal pa rin siya nito. Kaya kung susubukan niyang makipagbalikan sa dalaga ay tatanggapin siya nitong muli.
Well, tingnan nga natin kung magkakabalikan pa sina Jeric at Rabiya. Pero sa pagkakaalam namin ay may isang taong malapit kay Jeric na ayaw na nitong makipagbalikan ang aktor sa beauty queen turned TV host/actress.