Advertisers

Advertisers

Sinasabotahe ng sindikato ng droga ang Marcos admin; at mga alingasngas pa sa “kush” ng anak ni Sec. Boying

0 186

Advertisers

GRABE na ang buhos ng iligal na droga ngayon sa bansa. Tila walang takot ang mga nagpaparating. Parang sinasabotahe na ang administrasyong Marcos.

Oo! Simula nang makabalik sa Palasyo ng Malakanyang ang Marcos ay bumabaha ang pasok ng illegal drugs, bultohan na! Mabuti nalang at matitinik ang intelligence ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs, nasasabat nila ang bentahan.

Pero sigurado ako na kaunting bahagi lang ang kanilang nahuhuli sa tone-toneladang nakakapasok sa bansa. Kaya dapat mag-isip pa ng mas epektibong paraan ang mga taga-PDEA at BoC para ‘di makalusot ang mga kontrabando dahil ang drug syndicates ay gagawa at gagawa ng paraan para maibenta ang kanilang nakakabuang na mga produkto.



Kapag hindi napigilan ng Marcos administration ang pagbaha ng droga sa mga pangunahing rehiyon ng Pilipinas, ito’y kanila muling ikababagsak. Mismo!

Ang mga lugar sa Luzon na sobrang talamak ngayon ang illigal drugs, base sa mga datus ng operasyon ng PDEA, ay ang National Capital Region (NCR), Central Luzon, CALABARZON; sa Visayas ay ang Cebu, Samar, Bacolod at Iloilo; at sa Mindanao ay ang Zamboanga, Davao, Cagayan de Oro, Maguindanao at Basilan.

Kamakailan lang, nasa P6.7 billion ng shabu ang nasabat ng PDEA at PNP-Drug Enforcement Goup sa Manila City kungsaan pulis pa na taga-PNP-DEG ang nabunyag na miyembro ng sindikato.

Napag-alaman nating matagal nang supplier ng shabu itong si Master Sgt. Mayo ng PNP-DEG. Nagtataka lang tayo kung bakit hindi siya nadale ng “war on drugs” ng nakaraang Duterte administration. Mas matinik ba siya kesa intel ni Tatay Digs? Hmmm…

***



Ano kaya kung papalitan ni PBBM ang mga opisyal ng PNP-DEG at ang liderato ng PDEA? Baka mas magiging epektibo ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Para kasing naka-develop na ng kontak sa loob ng PNP-DEG at ng PDEA ang mga sindikato ng droga eh. Mismo!

Dapat siguro choice ni PBBM ang mga ilagay niya sa mga puwestong sensitibo para maging komportable siya at hindi magduda ang kanyang supporters na sinasabotahe ang kanyang administrasyon.

Oo! Kasi nga ang mga taong dinatnan na sa puwesto ang loyalty nila ay tiyak nasa naglagay sa kanila sa posisyon. Gets nyo, mga pare’t mare?

***

Patuloy ang mga alingasngas at negatibong banat laban sa pamilya ni Justice Sec. “Boying” Remulla matapos maaresto ng PDEA at BoC-NAIA ang kanyang 38-anyos na anak na si Juanito lll sa controlled-delivery ng high-grade marijuana o “kush” mula US.

May tsismis na nagkaroon ng swtiching sa kontrabando. Ang talagang nahuli raw sa batang Remulla ay coccaine, hindi kush. Masyadong malaki raw ang halaga ng “pulbos” kaya pinalitan ng “damo” para hindi raw maging kahiya-hiya kay Sec. Boying. Ganun?

Ang package ay dumating sa NAIA Sept. 27, inihatid ito ng operatives kay Juanito lll Oct. 11. Lumabas sa media ang balita Oct 13 na. Nagkaroon ng news blackout.

Anyway, ang operatives ng PDEA at BoC lang ang nakakaalam ng totoo. Basta’t ang press release nila ay kush ang laman ng parcel ni Juanito Remulla lll. Period!