Advertisers
DI naman kaila sa inyo ang pagsikat at viral na statement ng Presidential Son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos tungkol sa halaga ng piso.
“The peso is not weak because the peso is weak. The peso is weak because the dollar is strong,” yan ang sabi ng batang Marcos na Ilokano ng mambabatas.
Marami ang natawa, di naintindihan o naguluhan sa pahayag na ito ni Sandro. Ang iba nga ay tinuligsa at pinalabas na walang alam ang batang mambabatas at basta na lang may masabi sa isang isyu.
Ngunit kung ating hihimayin ang kanyang mga sinabi, ay may katuturan naman talaga ito. Ang paliwanag pa ni Sandro “the dollar is strong for two reasons … Kapag may krisis po sa ating mundo, the impression that the investors, consumers and shareholders get is that the dollar is the safest currency to get against all other currencies. So, ang nangyayari ay lahat ng tao kapag may krisis, bumibili ng dollar.”
Nais lang naman niyang ipaliwanag na ang paglakas ng U.S. dollar dahil ito ang international currency na ibinabayad at ginagamit ng lahat sa mga negosyo, ay nakaka-apekto sa lahat ng uri ng pera ng iba’t ibang bansa gaya ng Philippine peso.
Bakit nga ba napakalakas ng dolyar sa panahong ito? Kung inyong matatandaan ang presyo ng langis ay umabot na, sa isang daan per litro pagpasok ng taong(2022) ito.
Dollar ang dahilan niyan. Kaya nga ngayong Oktubre ang halaga ng isang dolyar ay halos P60 pesos na.
Ang mga pinapadalang dolyares ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang lumalaban para sa piso natin kaya minsan ay nababatak ang halaga ng isang dolyar sa P59, P58 o P57.
Hirap man arukin, ay parang ganito lamang, ang palitan ng dolyar ay pinamamahalaan ng mga bihasa nating ekonomista, sinisikap nilang mapirmis ang halaga ng piso kontra dolyar. Ngunit kung tinataasan ng bansang America ang interest rates na itinatakda ng U.S. Federal Reserve (Fed) ay di natin kaya itong pigilan.
Buwan ng September, itinaas ng Fed ang interest rate para maka-aya ng mga financial investments na tinatawag.
Ang pagtaas na ito ay mahalaga sa ating mga imports at nagresulta rin sa pagsakop ng Russia sa Ukraine, kaya lalong nagkahetot-hetot ang halaga ng ating piso.
Kaya rin bumagsa ang halaga ng ating piso ay dahil umaasa tayo sa mga import, lalo na hindi naman maganda ang mga ani ng ating agrikukltura.
Ang mga import na ito ay binabayaran natin ng mga dolyares. Eh wala naman tayong kinikitang dolyar, maliban sa mga padala ng ating mga OFWs. Ganun lamang ang ibig sabihin nitong si Sandro.