Advertisers

Advertisers

MAY UMEEPAL KAY HIDILYN?

0 152

Advertisers

MARAPAT lang na pagyamanin at kalingain ang isang ‘gem’ na nakapag- aalay ng karangalan sa bansa.

Sa tinagal-tagal ng ating paghihintay na makasungkit ng gintong medalya sa Olimpiyada ang Pilipinas ay naipagkaloob na sa wakas ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz ang ‘elusive gold’ nitong nakaraang Tokyo Olympics lamang,

Nagbunyi ang buong bansa sa tagumpay na iyon ni Diaz kaya parang buhos ng tubig habagat ang mga gantimpalang nakamtan ng bagong bayani ng Philippine sports na isa nang bahagi ng kasaysayan sa bansa.



Mula sa pamahalaang kumakalinga sa mga atleta ng bansa hanggang sa pribadong sektor ay mistulang talon ng Hinulugang Taktak ang daluyong ng biyaya bukod pa sa malakihang celebrity fee sa mga produktong ini- endorso ni Hidilyn bilang komersiyal sa radyo, telebisyon, diyaryo at social media.

Multi-milyong pabuya ang natanggap na ni Diaz katumbas ng ginintuang buhat at angat ng napakabigat na bakal na di kayang gawin ninuman sa normal na kababaihan dito sa atin kaya si Hidilyn ay natatangi bukod sa pagiging BUENAS DIAZ.

Ngayon ay nahaharap na naman si Hidilyn sa marubdob na training para sa 2025 France Olympics upang puntiryahin ang panibagong kasaysayang ikalawang ginto ss Olympics. Kaya pa ni Diaz basta’t laging buwenas.

Patuloy naman ang kaukulang suporta ng gobyerno na pondohan ang ating mga atleta na sasabak sa international competitions kabilang op kors si Hidilyn.

Pero ano itong inerereklamo daw ng ating ‘heroine’ na kinakapos umano ng budget para sa kanyang training at bayad sa foreign coach/ trainor/ nutritionist at psychologist na ibinabandera na naman ng biased media



Asikaso naman ng pamahalaan si Diaz( puwede bang hindi) at di niya kailangang gastahin ang milyong pabuya, para makapaghanda sa panibagong laban.

Tumitiyempo na naman ang mga epal sa lipunan at mismong si Diaz ang gagamitin para sa kanilang political interest.

Kayong mga salot sa pamayanan…SPARE SPORTS!

Lowcut: Shoutout sa ating mga kaisport diyan sa Calintaan, Mindoro Occidental specially kay gorgeous lady Mina Fernandez, kasama sina Budget Department boss Salina Ulay, Vic Prado, Cath Tapales,Elai Lopez at Ruffa Torrepalma.