Advertisers

Advertisers

Mister nag-amok, binaril ng parak

0 178

Advertisers

SUGATAN ang isang mister na nag-amok habang armado ng patalim nang barilin ng rumespondeng pulis sa Malabon City.

Kinilala ang mister na si Sueno Carlito Alarcon, 56 anyos, ng Sitio Coral, Matictic, Norzagaray, Bulacan.

Sa report nina PSSgt Michael Oben at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon Police chief Colonel Albert Barot, 1:30 ng hapon nang may humingi ng tulong kay Pat Allan Losa Roquite, nakatalaga sa Camp Crame Quezon City at residente ng 27 Gulayan St. Brgy. Concepcion, dahil nanggugulo si Alarcon at nananaksak ng mga indibidwal sa Sitio Gulayan kungsaan isang residente na si Mark Lester Caling, 35, ang sugatan.



Rumesponde si Pat Roquite at nakita niya si Alarcon na armado ng patalim kaya inutusan niya itong sumuko, subali’t sa halip na makinig ay sinugod nito ang pulis kaya napilitan ang huli na barilin ito.

Isinugod si Alarcon ng ambulansya ng Malabon NDRRMO sa Valenzuela Medical Center .