Advertisers
TINIYAK ni Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin Jr., na buong buo ang suporta ng pambansang pulis sa anti criminality campaign ng pamahalaang Lungsod ng Maynila kasunod ng pagkaka samsam sa may 990 kilos ng shabu sa isinagawang anti illegal drug operation sa Tondo, Maynila kamakailan.
Sa paghaharap ni General Azurin at Manila Mayor Honey Lacuna sa Camp Crame ay sinigurado ng heneral sa alkalde na bukas siya sa anumang pangangailangan ng lungsod ng Maynila, particularly in terms of police assistance.
Nangako rin ang isat isa na magtutulungan in all possible ways sa laban sa kriminalidad at pagsugpo sa salot na droga.
Sa paghaharap ng dalawang lider sa Camp Crame, ay ipinahayag ni Lacuna ang kanyang malaking pasasalamat sa isinagawang rug bust ng PNP Drug Enforcement Group na nag resulta s apaghkakahuli sa multi billion halaga ng droga sa Manila.
Ayon kay Lacuna tinalakay nila ni Gen Azurin kung ano ang magkatuwang nilang magagawa para sa kapakanan ng kabisera ng Pilipinas na magbebenipisyo sa milyon milyong Manileño.
Ipinarating din ng kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa kay Azurin ang kanyang pagkilala sa tulong na ipinagkakaloob sa kanyang administration ng PNP sa pamamagitan ng Manila Police District Commander Gen. Andre Dizon, na pinapanatiling ligtas ang mga lansangan sa lungsod laban sa mga criminal elements.
“Azurin was gracious enough to assure her that he will be open to anything that the city government of Manila may need from the PNP, particularly in terms of police assistance,” ayon kay Lacuna.
“It is one proof that the police is doing its job well,” sabi pa ng lady mayor kasunod ng pahayag na illegal drugs have no place in Manila dahil nagbubunga ito ng kriminalidad na sumisira sa lahat ng antas ng sambayanan.
Tiniyak naman ni Lacuna kay Azurin na gagawin lahat ng local government of Manila sa abot ng kanilang makakaya na suportahan ang MPD.
“Currently, the city is aiding the MPD in terms of mobility, even as the monthly allowances for its personnel continues to be given regularly,” ayon sa alkalde. (ANDI GARCIA)