Advertisers

Advertisers

Say ni ex-Justice Sec./ex-Senate Pres. Drilon kay Sec. Remulla: “Wala pang rason para mag-quit”

0 190

Advertisers

PARA kay dating Justice Secretary at dating Senate President Franklin Drilon, wala pang sapat na dahilan para magbitiw si Department of Justice Secretary (DoJ) Boying Remulla matapos maaresto ng mga otoridad ang kanyang anak sa pag-import ng iligal na droga noong Oktubre 11, 2022.

“I don’t think it’s a basis at this point. What’s important is that Sec. Remulla realizes that he is occupying a very powerful position. If there’s any perception that he enterferes, he should not stay there one minute longer. I’ll be the first to say ‘you resign’. As a former Justice Secretary, I know how powerful and sensitive the job is. But at this stage, I see no reason for Justice Secrertary Remulla to quit.”

Ang pahayag na ito ni Drilon ay reaksyon niya sa mga panawagan ng netizens at progressive groups na magbitiw si Remulla “out of delicadeza” dahil nga sa pagkaaresto ng PDEA at Customs operatives sa kanyang panganay na anak, Juanito lll, sa isang controlled-delivery ng high-grade marijuana o “kush” mula Estados Unidos.



Maging si opposition Congressman Edcel Lagman, kasalukuyang presidente ng dating ruling Liberal Party, ang mahigpit na kalabang partido ng PDP Laban na kinabibilangan ni Remulla, ay hindi pabor pagbitiwin si Remulla dahil wala pa naman daw perception na iniimpluwensyahan nito ang kaso ng anak.

Ang batang Remulla, 38 anyos, ay sinampahan na ng kasong ‘illegal importation of illegal drugs’ at paglabag sa ‘Customs Modernization and Tariff Act’, mga kasong walang piyansa at may kulong na habambuhay plus multa na P500,000 hanggang P10 milyon.

Sa tingin ko, gusto narin ni Sec. Remulla na makulong ang panganay niyang anak na ito, para mailayo narin ito sa bisyo at sa sindikato ng droga.

Sa mga nanawagang magbitiw siya, ang sagot ni Remulla: “Isa lang po ang magpapa-resign sa akin. Kapag sinabi ng pesidente na hindi na ako nakakatulong sa kanya, magre-resign po ako. Pero it never entered my mind and it will not because I know I have a clear conscience. This is the probably best example of the justice system working, ang anak mismo ng justice secretary ay nasasadlak sa kaso. May mas mabigat pa ba dyan?”

Pero kung ikukumpara natin sa ibang malalaking bansa kungsaan mahigpit na umiiral ang batas, tulad ng Japan o Amerika, sinomang opisyal kapag nasangkot ang miyembro ng kanilang pamilya sa anumang iligal na gawain ay kaagad nagbibitiw sa puwesto out of licadeza.



Kaso ang Pilipinas ay hindi Japan o Amerika. Ang bansa natin ay pinamumunuan ng mga makakapal ang mukha, ng mga politiko na ang interes ay kumamal nang kumamal ng salapi, hindi ang magsilbi ng tapat sa mamamayan. Mismo!

God save Philippines!!!

***

Halos kalahati pala ng mga naunang itinalaga sa administrasyon ay inalis, pinasok ang mga “bata” ng mga bilyonaryong nag-ambag ng malaki sa kampanya noon ni PBBM. Tsk tsk tsk…

Tapos, after ng 1 year election ban, papasok naman daw ang mga politikong natalo na tumulong sa kampanya ni PBBM. Araguy!!!

May tsismis pang hindi si PBBM ang nagpapatakbo ng kanyang administrasyon kundi ang kanyang First Lady. Ganun? Parang si Imelda rin daw noon. Aray ko!!!