Advertisers

Advertisers

Yassi sinagip ng aso sa matinding depresyon

0 205

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

STAUNCH advocate si Yassi Pressman ng pagsusulong ng mental health.
Kasama niya ang mga kaibigang sina Nadine Lustre at Liza Soberano, investors sila sa Mind You, isang mental health technology company na layuning magbigay ng easy at affordable access sa mental health experts through counselling, therapy at iba pang related services.
Naniniwala kasi si Yassi na maging noong panahon ng pandemya, isang malaking concern sa lahat ang kalusugang pangkaisipan.
Dahil sa Covid-19, maraming dumanas ng depresyon bunsod ng pagkawala ng trabaho, kabuhayan at maging mga mahal sa buhay.
Ayon pa sa aktres, maging siya raw ay nagkaroon ng mental health issues noon.
Katunayan, dumanas din daw siya ng katakut-takot na depresyon na akala niya ay hindi na niya mapaglalabanan.
Bilang breadwinner ng family, muntik na raw siyang bumigay noon dahil sa patong-patong na problemang naranasan niya dala ng pagkakasakit at later on ay pagkamatay ng kanyang ama.
Noon daw ay halos sumuko na siya sa ordeal na pinagdaanan ng kanyang pamilya.
May mga pagkakataon nga raw na dahil sa sobrang stress, feeling niya ay aatakihin na siya sa puso.
Sa panayam din sa kanya ni Karen Davila sa vlog ng broadcast journalist turned vlogger, sinabi ng actress na naging adbokasya na niya ang tumulong sa mga taong dumaranas ng mental health problems.
Hirit pa niya, hindi raw dapat mahiya ang isang tao na magpakonsulta sa mental health experts tulad ng psychiatrists o psychologists dahil sila ang makatutulong sa mga taong nabibigatan sa kanilang pinagdadaanang bagaheng pangkaisipan.
Sey pa niya, nakatulong din daw ang pagiging dog lover niya para mapaglabanan ang kanyang depresyon.
Katunayan, noong panahong down na down na raw siya, ang mga alaga niyang aso ang umaliw sa kanya at nagsilbing therapy para sa kanya.
Ito rin daw ang isa sa mga dahilan kaya itinayo niya ang dog park sa BGC dahil para sa kanya, “dogs are good for mental health.”
Sila raw ang sumalba sa kanya noong time na nalulunod siya sa kalungkutan at matinding desperasyon.