Advertisers
PANGUNGUNAHANI ni Vietnam SEA Games double-gold medalist Merwin Tan ang kampanya ng pilipinas sa International Bowling Federation (IBF) World Cup na nakatakda simula sa November 13 to 23 sa Suncity Bowl sa Queensland, Australia.
Ang iba pang miyembro ng team ay sina Jordan Dinham,Emerson Gotencio,Kenneth Chua, Lara Posadas-Wong, Mades Arles, Krizziah Lyn Tabura-Macatula at Rachelle Leon. Sasamahan sila nina Jojo Canare at Biboy Rivera.
Tinuldukan ni Tan ang 11- taon na tagtuyot ng bansa sa gold medal sa bowling nang pagharian ang men’s singles event nakaraang Mayo sa Hanoi. Parehong event ang napanalunan ni Frederick Ong noong 2011 edition na ginanap sa Indonesia.
Nakulekta nya ang kanyang ikalawang gold medal sa team na four event kasama si Ian Dychangco, Patrick Nuqui and Ivan Malig.
Ito ang ikatlong appearance ni Tan sa World Cup.Nagtapos siya 11th sa Las Vegas (2018) at Indonesia (2019).
Si Tabura- Macatula na nagwagi sa World Cup title sa Mexico (2017) ang pang -limang Filipino na bumuhat sa trophy matapos ni Paeng Nepomuceno (Iran, 1976; Indonesia, 1980; France, 1992; Ireland, 1996), Lita dela Rosa (Colombia, 1978), Bong Coo (Thailand, 1979) and Christian Jan Suarez (Honduras, 2003).