Advertisers
MAS mabibigyan ng makabuluhang talakayan ang isyu sa lumalaking bilang ng mga Pinoy professional basketball players na naglalaro sa mga liga sa abroad sa pagtalakay sa usapin ng opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) sa Tabloids Organization in Philippine Sports. Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Oct. 20) sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias at Sct. Fernandez, Brgy, Laging Handa, Quezon City.
Bibigyan linaw ni Jesucito Garcia, head ng GAB Professional Basketball and Other Games Division, ang nagaganap na ‘exodus’ sa mga Pinoy cagers at posibleng epekto sa industriya ng pro league sa bansa.
Magsisimula ang program sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine ganap na 11:00 ng umaga.
Panauhin din para magbigay ng progreso sa kahandaan ng mga atleta at sa mga isyung may kinalaman sa pagsabak ng Philippine Team sa Cambodia SEA Games sa susunod na taon si Edward Kho, ang itinalagang bagong Secretary General ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Terry Capistrano.
Naglilingkod din bilang assistant professor sa University of the Philippines College of Human Kinetics, si Kho ang marketing and communications director ng PATAFA sa pamumuno noon ng dating president na si Philip Ella Juico.
Kamakailan lamang ay nakumpleto niya ang pag-aaral sa Greece kung saan tinapos niya ang Masters degree in Olympic Studies and Management sa International Olympic Academy.
Inaanyayahan ni TOPS President Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal na makibahagi sa program ana mapapanood sa Facebook official page TOPS Usapang Sports via livestreaming at mapapanood din sa Channel 45 ng pinakabagong mobile network PIKO (Pinoy Ako).