Advertisers

Advertisers

May-ari ng Okada hotel and casino inaresto sa kasong coercion

0 229

Advertisers

HINDI nakapalag nang arestuhin ng mga operatiba ng NCR PNP-Aviation Security Group (AvseGroup) ang tanyag na Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City, Martes ng umaga.

Inaresto si Okada sa bisa ng warrant of arrest mula sa Parañaque City RTC Branch 90 na may kaugnayan sa kasong ‘Coercion’.

Si Okada, sinasabing may-ari ng Okada Hotel and Casino, ay dinala sa punong himpilan ng NCR PNP-AvseGroup na nasa airport complex kungsaan isinagawa ang booking, mugshot at dokumentasyon.



Nabatid na sa pamamagitan ng mga abogado ni Okada, nakapagpiyansa ang huli ng P12,000 para sa pansamantalang paglaya nito. (JOJO SADIWA)