Advertisers
ISANG scammer na nagpakilalang “David Halligan Oro” ang nagtangka manghingi ng pera sa ilang senador.
Kinumpirma mismo ng veteran DWIZ anchor na si David Oro na may gumagaya sa kanyang pangalan batay sa sumbong ng ilang senador na nakatanggap ng text message mula sa nagpakilala niyang scammer.
Sinabi ni PNP-Anti Cybercrime Group Spokesman, Lt. Col. Jay Danao Guillermo, kailangang makausap nila ang nakatanggap ng text messages para sa posibleng ebidensya na makukuha sa mga nasabing text mula sa scammer.
Mabuti na lamang, aniya, nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na Sim Card Registration na makatutulong ito upang matunton ang nagpapanggap na David Oro.
Hinimok ni Guillermo ang mga senador na nakatanggap ng mga text message sa kanilang personal number na maghain ng reklamo upang matukoy ang scammer.