Advertisers

Advertisers

2 dating parak huli sa pagnanakaw

0 245

Advertisers

ARESTADO ang dalawang dating pulis nang pasukin ang bahay ng mag-asawa at tinangay ang higit sa P1 milyon halaga ng mga alahas nitong Miyerkules sa lalawigan ng Cavite.

Sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad, nadakip ang mga magnanakaw na kinilalang sina Franklin Menor at John Carl Machon.

Sa report ng Cavite Police Provincial Office, 2:30 ng hapon nang madakip si Menor sa Fairview, Quezon at nakuha sa pag-iingat nito ang .45 kalibre na baril na may 10 bala.



Bandang 4:00 ng hapon naman naaresto si Machon sa Novaliches, Quezon City at nakuhanan ng caliber .9mm pistol na may 9 bala.

Martes ng gabi (Oktubre 18, 2022) nilooban ng anim katao ang bahay ng mag-asawang Abner at Josie Santos sa Barangay Santiago , General Trias City, Cavite.

Iginapos ng mga magnanakaw ang mag-asawa at tinangay ang caliber 9mm pistol ni Abner at iba’t ibang klase ng mga alahas na aabot sa halagang P1 milyon.

Mabilis na tumakas ang mga magnanakaw sakay ng kulay puti na van.

Tinutugis pa ng pulisya ang apat na mga kasamahan nina Menor at Machon. Hindi na idinetalye ang pagkakatanggal sa serbisyo ng dalawa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">