Advertisers
SUGATAN ang isang babaeng pulis nang pagbabarilin ng sariling ama sa bayan ng Maddela, Quirino.
Kinilala ang biktima na si Police Corporal Riza Olosan, nasa hustong gulang, kasapi ng Maddela Municipal Police Station at residente ng Villa Norte, Maddela. Ang salarin ay ang kanyang ama na si Robert Taipan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na pauwi sa kanilang bahay ang biktima sakay ang Toyota Vios na minamaneho ni Den Mark Galope, 30 anyos, PNP member rin na nakatalaga sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya Police Provincial Office at residente ng Barangay Quezon, Cordon, Isabela, nang pagbabarilin ng tatlong beses sa leeg ang biktima.
Inilipat na sa isang ospital sa Lungsod ng Santiago ang biktima para sa kanyang pagpapagaling.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.