Advertisers

Advertisers

Bilyong piso payola sa top PNP officials… PNP, GAMBLING LORDS “UNHOLYALLIANCE” SA VICE OPS SA R4A! (Part 2)

0 663

Advertisers

SANGKATERBA din ang mga iligal na pasugalan sa lalawigan ng Cavite tulad ng sakla dens sa bayan ng Tanza at Indang. Pinatatakbo ito ng isang alyas Erik Turok, Governor’s Squad ( alias Minong Kupal, Totoy Tiyanak, Elwin at Hero ) at isang alyas Tagoy na nagpapakilalang close-in ni Cavite OIC PD, P/Col. Christopher Olazo.

Magdadagdag pa ng mga saklaan ang mga naturang salot sa Lungsod ng Cavite, Imus, Rosario at mga munisipalidad ng Kawit at Noveleta.

May mga saklaan din sina Estole at Aying sa Lipa City at Marivic sa Tombol Cockpit, Brgy. Quilib, sa bayan ng Rosario, at apat pang saklaan ang mga alyado ni Marasigan sa mga barangay ng Sta Clara, San Pedro, San Francisco at Sta Maria, Sto Tomas City, Batangas.



Sa Laguna ang mga sakla joints ay nasa Brgy. Sampirohan-operator Oruga, Brgy. Aplaya-operator Junjun at Ronnie, Brgy. Bobuyan operator Jayson, pawang sa Calamba City, Jenny sa Cabuyao City, Rose sa mga bayan ng Los Baños, Nagcarlan, Victoria at Liliw, isang pulis na alyas Timbang.sa bayan ng Rizal kung saan ay nagpapatakbo din ito ng STL–con jueteng, San Pablo City- ang operator ay sina Castillo at pulis Gary,sa mga bayan ng Bay, Rizal, Los Baños Victoria at mga siyudad ng San Pablo, Cabuyao at Biñan-operator Bong at isang Leviste naman ang may pasakla sa mga bayan ng Nagcarlan, Liliw at Victoria.

Ang mga paihian o burikian sa Batangas ay nasa bayan ng Lemery na inooperate ni alyas Glen at Dondon, at Lipa City na pinatatakbo naman ni alyas Kap Dan. May mga paihian din sa Quezon Province. Sa Candelaria- operator Lito, Brgy.Lalig, Tiaong-operator Lani, Brgy. Loob, San Antonio-operator Hiwatig, By-Pass Road, Brgy. Gisgis, Sariaya-operator Topher, at Bobby – Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City- operator Bong.

Ang STL bookies operator sa Laguna ay sina Timmy alias Charlie- mga siyudad ng San Pablo, Cabuyao, San Pedro at, Binan, bayan ng Pagsanjan, Liliw sa Laguna, Mabini at San Pascual sa Batangas, Pinky- San Pablo City, Jayson-San Pablo City, Los Baños, Sta Cruz, Calauan, Pagsanjan at Liliw, alias Tose-San Pablo City, San Pedro City Sta Rosa City at Biñan City, Orlan- San Pablo City, Nagcarlan at Alaminos, Ruel A.- San Pablo City, Hiwaga at Kap Ding -San Pablo City alias Sgt. Baretto-Biñan City, Sta. Rosa City at Cabuyao City, Niko sa Biñan City, Cabuyao City, Sta Rosa City, San Pedro City at Calamba City, Mayang- Biñan, Sta Rosa, San Pedro, Cabuyao at Calamba City, Melody -Sta Rosa City at Biñan City, Arvin at Bong – bayan ng Rizal, Eborra ng mga siyudad ng Sta Rosa at Biñan, Jess- Sta Rosa, Tita- Cabuyao City at Calamba City, alias Kon Manguiat, Calamba City , Jun- Los Baños, Sherwin- Liliw, Rizal, at Pagsanjan, Angke- Mahayjay, Mabitac, Calauan at Sta Cruz, Vener- bayan ng Rizal, Kon Robert sa Calauan at Bong sa bayan ng Rizal.

Ang mga perya-sugalan naman ay sa Brgy. Wawa, Calamba City-operator Jessica, Brgy. Wawa, Calauan-operator Rowena, Brgy. Lumot, Calauan-operator Aris, Brgy. San Lorenzo, Sta Rosa-operator Venus, Brgy. Lumban, San Pablo City-Aris at Brgy. Lucban, San Pablo City ay pinatatakbo ng public school teacher na alyas Rowena.

Ang mga STL-con jueteng operator sa Quezon ay sina: Fando – sa Catanauan at Sariaya, Boss Ejay – Sariaya, Rayman- bayan ng Tagkawayan, General Nakar at Tiaong, Banong ng Tiaong.



Ang Quezon perya-sugalan naman ay sa Catanauan-operator Ajelyn, Tayabas-operator Bernard, Dolores-operator Sandy at Alex; at Tiaong- operator Bebot. Sa Cavite: GMA- operator Niña, Dasma-operator Tetet.

Sa Rizal Province, monopolisado ang operasyon ng STL-con jueteng nina alias Bong Sola at John Yap. Ang mga perya-sugalan operator naman doon ay sina: Rambo, Elvie, Juan, Bondying RJ, Jess at Toto.

Sabihin na natin na walang tumatangap na R4A police officials ng tongpats mula sa mga vice lords, pero ayon kay “Tonio” bilang matataas na opisyales ng PNP, sa Principle of Command Responsibility ay sabit ang mga PDs, city at town police chief kaya’t sila ay may pananagutan sa di masupil-supil na vice operation?

Ang repleksyon ng kahinaan at kapalpakan ng liderato ay nakatuon ngayon sa mga PDs na sina. Cavite OIC PD, Col. Christopher Olazo, Laguna OIC PD, Col. Randy Glen Silvio, Quezon OIC PD Lydon Monte, Rizal PD Col. Dominic Baccay at Batangas OIC PD Col. Pedro Soliba, ayon pa kay “Tonio”.

“Dapat na pong kalusin na nina PNP Chief, Rodolfo Azurin Jr. at RD4A Dir. PBGen Nartatez Jr. ang protection racket operation ng grupong kinabibilangan nina “ alyas Sgt. Corpuz, Sgt. Adlawan, alyas Major Seno,Timmy na may alyas pang Charlie at iba pang nagpapakilalang tong kolektor ng Camp Crame”, ang pagbubunyag pa ni “Tonio”. (CRIS A. IBON)