Advertisers

Advertisers

Fuel Masters siniklab ang ika-3 sunod na panalo, pang-apat na talo ng Meralco

0 146

Advertisers

Laro Biyernes
PhilSports Arena
3:00pmTerrafirma vs. Bay Area
5:45pmSan Miguel vs. Converge

NAITALA ni Kaleb Wesson ang bagong career-high 23 points at ikomando ang Phoenix Super LPG sa kanilang malalintang depensiba sa pagpundi kontra Meralco, 89-82, Miyerkules sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena.

Kinaldag din ni Wesson ang team-high 13 rebounds at nakahugot ng maraming ayuda mula sa mga lokal sa pamumuno ni Tyler Tio at Encho Serrano diretso sa pagsalansan ng Fuel Masters sa kanilang pangatlong sunod na panalo matapos simulan ang mid-season conference na may tatlong sunod na talo.



“It’s great, going .500. That’s a huge strength for us going to the next game,” sambit ni Wesson, na may magilas ding trabaho para isawata ang Meralco import Johnny O’Bryant, na kaswal na may 29.8 points na tinuklaw sa kanyang 2-of-17 shooting at tanging pitong puntos, bukod pa sa anim na turnovers.

“With a great player like that, his scoring ability, you know he’s gonna score the ball,” pahayag ni Wesson. “So I feel that as a team we did great defending him, showing him different looks, making sure that every shot he took is well-contested. Just a testament to our team and how much we focused on defense today.”

Para kay Phoenix coach Topex Robinson, ang kanilang mga tagumpay ay reward ng kanyang tropa sa matinding isinasagawang ensayo at sa aktuwal na laro kung saan pinaranas ng Fuel Masters ang i-harass Bolts sa kabuuang 23 turnovers bilang pinakahuling pruweba.

“Winning is the by-product of what we’re doing,” sambit ni Robinson. (LOUIS PANGILINAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">