Advertisers

Advertisers

KORTE SUPREMA, HINARANG ANG PROKLAMASYON NG PEKENG KINATAWAN NG MAGSASAKA PARTY-LIST

0 258

Advertisers

IKINATUWA ni MAGSASAKA Party-list Chairman Atty. Argel Joseph Cabatbat ang inilabas na status quo ante order kamakalawa ng Supreme Court (SC) laban sa proklamasyon ni Roberto Gerard Nazal Jr. na nanalong kinatawan ng Magsasaka Party-list nitong May 2022 elections.

Sa en banc resolution ng Korte Suprema, inatasan nito ang lahat ng partido na panatiliin ang dating estado bago iprinoklama bilang nanalong kinatawan ng Magsasaka Party-list si Nazal ng National Board of Canvassers noong September 14,2022.

“Order petitioner, respondent, their agents and representatives to maintain the status quo prevailing prior to the promulgation of NBOC confirming the proclamation of Nazal as reprsentative of Magsasaka and the issuance of certificate of proclamation in favor of Nazal.”



Binigyan ng sampung araw ng Korte Suprema ang Commission on Elections (COMELEC) at iba pang respondent upang maghain ng kani-kanilang komento sa nasabing usapin.

Matatandaang kinuwestyon ni Atty. Cabatbat ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na iproklama si Nazal bilang kanilang kinatawan.

Ayon kay Cabatbat, hindi niya kilala si Nazal at nominee pa nga aniya ito sa Pasahero Party-list na natalo ng nakaraang May 2022 elections.

“Isang insulto sa kanilang mga magsasakang miyembro ang pagkilala ng Comelec kay Nazal na isa umanong milyonaryo,” sabi ni Cabatbat.

Iginiit ni Atty. Cabatbat na hindi nila kailanman naging miyembro si Nazal.
***
Pinuri ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang magagaling na lalaki at babae ng Bureau of Customs (BoC) sa patuloy na pakikiisa sa ipinatutupad niyang programa at reporma sa Aduana.



Kasunod nito, hiniling niya sa kanyang mga kritiko na tumigil sa ginagawang paghadlang sa mga ginagawa niya upang malinis ang reputasyon ng BoC na itinturing na isa sa pinakakorap na ahensiya ng pamahalaan.

Hinikayat ni Ruiz ang lahat ng opisyal at mga kawani ng BoC na ipagpatuloy ang pagtawid sa maayos at mahusay na paglilingkod sa bayan na sinimulang ilatag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

“IIsa lamang po ang ating bansa, at ito ay dapat nating mahalin at pagsikapang mapaunlad… kaya po natutuwa ako sa mga kasama ko sa Customs na pawang matatapat at nagpapatuloy na maglingkod nang mahusay para sa ating bayan, at nagsisikap na mapataas ang koleksiyon natin ngayong taon,’ paliwanag ni Ruiz.

Aniya pa, dapat na maging bahagi ng solusyon at hindi bahagi ng problema ang mga kritiko niya.

Nanawagan siya na “maawa” sa bayan na ngayon ay nangangailangan ng matinong pamamahala at makausad na upang ang Pilipinas ay makaahon sa kahirapan.

Aniya pa, dapat na ang mga opisyal na gumagawa ng katiwalian ay tumigil na at magbago sapagkat ang kasamaan ay hindi naman laging nagtatagumpay at ito ay may laging ganti ng matuwid na hustisya.

Inisa-isa ni Ruiz ang mga programa at reporma niya na ipinatutupad at umaasa siya na ang mga “makabayang opisyal at mga kawani” ay magiging tunay na lingkod ng bayan.

Pinasalamatan din ni Guerrero ang Pangulong Marcos at si Finance Sec. Benjamin ‘Ben’ Diokno sa patuloy na pagtitiwala sa kanya, at ikinatuwa ang kumpiyansa hanggang ngayon sa kanyang kakayahang pamunuan ang Customs.

Niliwanag ni Ruiz, na ang bayan ay matagal nang naiinip na makita ang BoC na isa sa mapagkakatiwalaang kawanihan na hindi lamang magbibigay ng malaking ambag sa koleksiyon ng buwis kungdi makikilala ang mga opisyal at mga kawani nito na mararangal at kapuri-puring lingkod ng mamamayang Pilipino.
***
Hindi naman mahirap labanan ang ismagling kung tutuusin.

Katapatan sa tungkulin, mahusay na pagsunod sa batas, tibay ng dibdib laban sa tukso ng madaling pagkakamal ng salapi sa “baluktot na paraan.”

Mayroon ba tayo ng mga ganitong opisyal at kawani sa Bureau of Customs?

Ang sagot: napakarami nila, pawang matatapat, pawang matitino at nais na tunay na makapagerbisyo nang matapat sa bansa.

Ano ang dahilan at hindi tayo nagtatagumpay laban sa katiwalian?

Pagkakaisa ang kulang, pagwawalang-bahala ang naririyan, at ang pagsasabing, nandiyan na yan at hindi na maaari pang mawala.

Mali: magagawa ito, kung si Comm. Ruiz at ang maraming matitino at matatapat ay ating tutulungan.

Ito ang kulang, at dapat na mangyari.

Sa kung paanong paraan, sumunod tayo sa batas at itinatakda ng mga regulasyon, at ‘wag kumunsinti ng mga mali.

Matuto tayong sumama sa pagbabago at huwag humadlang sa anomang ipinatutupad na pagbabago.

Magtulungan para puksain ang salot na ismagling!
***
Nasanay na tayo sa ‘kami-kami.’ ‘sila-sila’ at nakalimutan natin na tayo ay iisang bansa, at ang katotohanan ng kasabihan: Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan!

‘Wag nating sisihin ang iilan, kungdi tingnan sa kabuuan.

Hindi sa kung ano pa man, dapat na bigyan ng matinding alalay lagi ang lahat na nagpapatakbo sa lokal o pambansang pamahalaan kung may mga matitinding krisis o trahedya na nangyari.

Pero umano ang media – na sinasabing tinig ng bayan – ay ano ang ginagawa?

Konting kibot, upak sa mga mali o di sinasadyang pagkakamali.

Ga-buhok na mali, ginagawang lubid na pambigti sa mga opisyal ng mga admnistrasyon.

Imbes na pag-unawa at pag-alalay, naglalagay ang media at ang mga nasa oposisyon ng mga pako at harang upang ang mga administrasyong nasasangkot noon at ngayon sa mga matitinding trahedya at krisis ay hindi makagapang at makatayo at makalakad at makatakbo.

Walang mali kungdi ang nakaupo at ang sampay-bakod na kritiko ang laging tama at may kahenyuhan na gawin ang solusyon sa mga nakikita ng problema.

Sa krisis ng pamamahala at kabuktutan ng mga ng mga nakaraang administrasyon ay lumawig dahil sa ating walang pakikialam, at ang mga nakaraan na taon ng mga nakaraang pamamahala na higit sa isa o sampu ang ibinigay na kahihiyan sa ating kaluluwa bilang bansa, ito ay atin na bang nakalimutan.

Ang bahid ng mga nakaraang pagkakamaling ito ay minana at pinapasan lagi ng mga bagong pamahalaan at sa halip na tayo ay tumulong upang “makinalikat” at “makipasan”, mistulang sa pasan ni Pangulong Marcos, naglalambitin pa tayo sa mabigat na kasalanan ng nakaraan upang siya ay tuluyang bumagsak at mamatay.

Ang pagbagsak ni Preidente Marcos ay pagbagsak din nating lahat.

Ang krisis ng mga nakaraang Pangulo at ni Pangulong Marcos ay krisis nating lahat.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com