Advertisers
ARESTADO ang dalawang lalaki nang mahulihan ng P3.4 milyon na halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City, Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang mga nadakip na sina Marlon Padilla, 43 anyos; at Alexander Policarpio, 41.
Ayon sa ulat ng PDEA, 3:00 ng hapon nang magsagawa ng joint buy-bust ang mga tauhan ng PDEA IV-A Batangas PO, PDEA 4A Regional Special Action Team (RSET 1 at RSET 2), PDEA NCRO North District, at Valenzuela City Police sa 4009 parking area ng Go Gen. T Central Building, Barangay Gen T. De Leon, Valenzuela City.
Nakakuha ang mga tauhan ng PDEA ng 5 plastic ng shabu na 500 gramo at nagkakahalahga ng P3,450,000.(Mark Obleada)