Advertisers
PAMUMUNUAN ni Southeast Asian Games back-to-back gold medalist Margarita Ochoa, ang anim na atleta bilang kinatawan ng bansa sa forthcoming Ju-jitsu World Championship sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Pinagharian ni Ochoa ang women’s minus 48-kg category sa 2019 (Manila) at 2022 (Vietnam) Games. Three – time world champion at two-time Asian Championship winner.
Kasama rin sa biyahe sina Jenna Kaila Napolis at Ashley Villaret (women’s minus 52-kg)Kimberly Custodio (women’s minus 45-kg), Myron Mangubat and Jan Cortez (men’s minus 62-kg), Brendo Pudan (men’s minus 69-kg) and Philip Alegre (men’s minus 85-kg).
Ang World Championship ay ikalawang International tournament ng team ngayon taon pagkatapos ng SEA Games nakaraang Mayo.
Sinabi ni coach Allan Co na ang atleta ay training hard ngayon Linggo bago sila lumipad patungong Abu Dhabi sa October 31. Ang Laban ay naka-eskidyul sa Nobyembre 2, at 3 sa Ju-jitsu Arena sa Zayed Sports City.
“We had a bronze medal finish before from Kaila. Aside from the national team trials, the team has competed in the Thailand Grand Prix,” Wika ni Co sa panayam Huwebes.
“We have a good chance of winning medals,” Dagdag pa nya.
Nasungkit ni Ochoa ang bronze medal sa 2018 Asian Games (Indonesia). Nagwagi siya ng gold medal sa 2016 Asian Beach Game sa Vietnam.
Si Napolis ay silver medalist sa 2019 at 2022 SEA Games, 2018 Abu Dhabi World Tour Grand Slam (United Kingdom) at 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games (Turkmenistan) at bronze medal winner sa 2016 Asian Beach Games ( Vietnam).
Si Custodio ay nasilo ang bronze medal sa 2019 Asian Championship (Mongolia) habang si Cortez binulsa ang gold medal sa 2019 Thailand Grand Prix at 2018 South East Asian Championship (Thailand) at silver medal sa 2018 Asian Championship (Kazakhstan).