Advertisers

Advertisers

Russell at Russell!

0 287

Advertisers

120 na international players ang nasa line-up ng mga team NBA sa opening night ng ika- 76 na season.Record-high yan sa kasaysayan. Hindi na lang hype na tawaging world champ ang maghahari sa sikat na liga.

Magmula yan sa 40 na bansa at 6 na continenente.

22 diyan ang galing Canada, 10 naman mula sa Australia at 5 ay tubong Nigeria.



Kabilang diyan sina Giannis Anterokounmpo ng Greece, Luka Doncic ng Slovenia, Nicola Jokic ng Serbia, Dennis Schroder ng Germany, Rudy Gobert ng France, Kristaps Porzingis ng Latvia, Domantas Sabonis ng Lithuania, Andrew Wiggins ng Canada, Danilo Gallinari ng Italy, Cedi Osman ng Turkey, OG Anonubyng United Kingdom at Ibaka Zubac ng Croatia

Sayang at hindi nakapasok si Kai Sotto natin sa mga hinugot noong draft day. Eh di sana may isang Pilipino sa listahan.

***

Nasa jersey lahat ng NBA cager ang numero ni Bill Russell. Ang 6 ay nasa kanang balikat nina Steph Curry, LeBron James at iba pa bilang pagpupugay sa pinakamaraming singsing sa liga.

Ang sentro ng Boston na pumanaw nito lang ika-31 ng Hulyo ay ang may 11 na titulo.



Ang number ng tubong Louisiana na nakalaban pa ni Caloy Loyzaga noon ay nasa floor din ng mga venue.

Ngayon panay din pakita sa NBA TV ng mga video ng mga pag-uusap ng pambato ng Celtics kina Tim Duncan at Kobe Bryant.

***

Ang isa pang Russell na mainit sa balita ay si Westbrook. Sa pangalawang game niya ngayon ay bokya siya sa field. 0-11 siya kabilang ang 6 sa tres. Mabuti may dalawa siyang free throw kundi unang pagkakataon na zero siya sa busluan. Maigi rin naka 2 na rebound, 4 na assist at 5 na steal sa loob ng 27 na minuto.

Hindi siya naitrade ng Lakers sa off-season pero tinataya ng marami na matutuloy na ito bago mag-Nobyembre.

Pareho sila ng kanyang team na nag-sasuffer sa kanyang pananatili sa bench rotation ni Coach Darvin Ham.

Fresh start ang kanilang kailangan at tiyak mababago ang kanilang mga kapalaran.