Advertisers

Advertisers

BALAHURANG OSPITAL SA QC

0 236

Advertisers

Alam kaya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kabalahuraang ginagawa ng pamunuan ng Novaliches General Hospital.

Ito ay bunsod ng reklamo ng isang lola na unang nagpa-check up sa nasabing pagamutan dahil sa kanyang iniindang karamdaman hanggang sa makitaan ang pobreng matanda ng problema sa mata.

May catarata rin pala ito kung kaya’t nakumbinsi ng mga doktor na ipa-opera na yung kanyang isang mata.



Ang mabigat ay ang istilo kung paanong naisahan ang lola ng nasabing ospital.

Una umano ay pinapirma ng PhilHealth form ang matanda at nang matapos ang operasyon at dumating na ang singilan, tumataginting na P25 mil na ang sinisingil sa pasyente plus dalawang libong piso para sa doctor’s fee.

Nang tanungin ng matanda ang tungkol sa kanyang PhilHealth coverage, sinabi ng Novaliches General Hospital na wala umano itong makukuha pa mula sa PhilHealth.

Ang tanong, bakit hindi muna nilinaw o klinaro ng balahurang pagamutan ang tungkol sa PhilHealth coverage bago pa man sinimulan o inumpisahan ang operasyon ng matanda para di naman masubo ang kaawa-awang lola sa malaking gastusin.

Hindi rin idineklara na may babayaran pang doctor’s fee ang pobreng pasyente.



Ang pagkakaalam natin, isang pampublikong pagamutan ang NGH kung kaya’t nagtataka tayo kung bakit ito naniningil para sa doctor’s fee.

Isang pang kalbaryong dinaanan ng matanda ay nang iprisinta nito ang kanyang Senior Citizen’s card upang manghingi sana ng diskuwento.

Pati ang prebiliheyo ni lola sa ilalim ng Senior Citizen’s Act ay hindi rin nirespeto at ipinagkaloob.

In short, walang 20% discount na ipinagkaloob sa pasyente.

Mahabaging langit Mayora Joy Belmonte, bakit ganya ka-balasubas ang nasabing pagamutan na batid natin nasa ilalim ng local government ng Quezon City?

Malinaw na isa itong total disregard sa ating batas na binibigyan ng pribeliheyo at tulong ang ating mga senior citizens.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon diyan sa Quezon City na nakaranas ng hindi pagkakaloob ng itinadhanang diskuwento para sa mga senior citizens ng lungsod.

Ilang mga establisimiyento sa QC gaya ng mga fastfood chains at kainan ang nagagawang magpalusot para di magbigay ng 20% sa mga seniors dahil naka-promo price na daw ang kanilang mga pagkain.

What the fuck Mayor Joy Belmonte.

Dapat sigurong paimbestigahan mo Mayora Joy ang mga istilo ng pangdo-dorobong ito sa ating mga senior citizens dyan sa iyong siyudad.

Going back sa Novaliches General Hospital, marapat ding imbestigahan at kastiguhin ang mga namumuno ng nasabing pagamutan dahil sa pagpapaikot na ginawa sa nagrereklamong lola.

Sa halip na makaranas ng ginhawa matapos operahan ang kanyang catarata sa isang mata, na-stress lamang lalo ito at nadagdagan pa ang problemang kinakaharap.

Napilitang maghagilap ng kabuuang P27 mil ang kaawa-awang matanda.

Useless sa dilang useless ang SC card na ipinamamahagi ng gobyerno sa ating mga senior citizens.

Inutil ito at malinaw na walang silbi at di iginagalang sa inyong lungsod Mayora Joy.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com