Advertisers

Advertisers

Jeric happy na napapansin sa seryeng kasama sina Alden at Bea

0 204

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BUKOD sa magandang laban sa ratings game ay consistent mag-trending at maganda ang mga reviews sa Start-Up PH at labis ang pasasalamat ng isa sa mga bida sa serye na si Jeric Gonzales na gumaganap bilang Davidson Navarro.
“Thank you po, maraming salamat po and sa lahat ng sumusuporta at nanonood. Nakakataba ng puso na yung Philippine adaptation ng Start-Up pinapanood nila, sinusuportahan nila.
“Kasi siyempre pinaghirapan namin ‘to and grabe, grabe yung challenge ng paggawa nito, sobra. Kahit even the directors, the production talagang hindi nila ito tintreat as yung usual teleserye na ginagawa natin dito.
“Gusto nilang mag-level up, gusto nilang pantayan yung expectation na nakita nila dun sa original na Start-Up.
“So happy kami na yung mga feedback magaganda, and then yung mga scenes ko with Bea and Alden napapansin ako so thank you, thank you talaga.”
Bida rin sa Start-Up PH sina Bea Alonzo (Dani Sison), Alden Richards (Tristan Hernandez) at Yasmien Kurdi (Ina Diaz).
***
LALONG mas nagiging intense ang mga kaganapan sa GMA and Quantum Films’ primetime series na ‘What We Could Be.’
Excited na ang viewers at fans na malaman kung magkakaroon nga ba ng happy ending ang pag-iibigan nina Franco (Miguel Tanfelix) at Cynthia (Ysabel Ortega).
Bumilib at hindi naka-move-on ang Kapuso viewers sa masasakit na palitan ng words nina Franco at Cynthia sa nakaraang episode. Naharap si Cynthia sa mahirap na sitwasyon matapos ibenta ni Franco ang kanilang panaderia, at makita nitong kayakap ng binata si Vera (Hailey Mendes).
Marami ang pumuri sa kanilang pag-arte at confrontation scene, “This is one of the most painful yet the most beautiful and powerful scenes in ‘What We Could Be.’ The delivery of the lines, the emotions, everything. Grabe.”
Marami talaga ang nadala sa emosyon nina Cynthia at Franco, “The entire scene was so well-executed pero this part was a favorite. Cynthia desperately reaching out and Franco almost losing his resolve. Ang galing niyo.”
Samantala, marami na ang nase-sepanx at nalulungkot sa finale week ng serye ngayong linggong ito. “Malapit na matapos ang wwcb wala na ako aabangan,” komento ng isang avid viewer.
Tutukan ang finale week ng ‘What We Could Be,’ ngayong October 24 – 27, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 pm pagkatapos ng Start-Up PH sa GMA Telebabad!