Advertisers
Ilang araw na lang ay matatapos na naman ang pang-4 na buwang panunungkulan ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR…, na ang kamakailang kontrobersiya hinggil sa mga FAKE APPOINTMENT na umano’y lumabas mula sa MALACAÑANG ay tila mababaon na sa limot.
Ito ang ikinababahala ng mga nagmamalasakit sa kasalukuyang administrasyon na mahantong na naman sa kawalan ang pag-aatas ni PRES. BONGBONG MARCOS para sa pagsisiyasat ng NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) at ng CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG).., upang kilalanin ang lahat ng sangkot at sampahan ng kaukulang mga kaso.
Bagama’t malinaw na may bulilyaso batay sa mga hawak na dokumentong pinalalabas na galing sa MALACAÑANG e hindi ganun kasimple ang imbestigasyon.., kasi, hindi mga ordinaryong tao ang masasagasaan; kundi mga mapepera at maimpluwensiya ang mga nasasangkot.., na isang kumpas ng kanilang kamay ay kayang magdulot ng perhuwisyo
Gayunman, dapat lamang na tumalima ang NBI dahil hindi naman sila ang tatamaan ng sisi at pangungutya.., kundi ang PRESIDENT mismo ang madudungisan.
Ang masaklap, hindi pa pala natapos ang pekeng appointment ng isang ATTY. ABRAHAM ESPEJO sa BUREAU OF IMMIGRATION (BI) mula sa diskarteng malupit ng grupong tila naniningil sa suportang ibigay kay PBBM noong siya’y kandidato pa lamang.
Isa rin sa sinisilip ngayon ay ang kaduda-dudang dokumento sa pagtatalaga sa isang tanggapan sa ilalim ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD).., na sinusuri ng mga eksperto ang APPOINTING AUTHORITY SIGNATURE at ang PRESIDENTIAL SEAL na ginamit sa mga naturang dokumento.
Ang ARYA ay hindi dalubhasa sa FORENSIC ASPECT.., subalit, sa mata ng isang ordinaryong Pilipino, talaga namang malaki ang pagkakaiba ng pirma ni MARCOS JR. sa limang iba pang dokumento kumpara sa appointment paper na nagsilbing tuntungan ng isang dating opisyal ng gobyerno sa ilalim ng termino ni EX-PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO.
Kapansin-pansin na mayroong numero 7 sa gawing ilalim sa limang dokumentong nilagdaan ng PRESIDENT sa harap ng maraming tao. Pero ang appointment paper para sa tanggapang nasa ilalim ng DHSUD ay walang numero 7.
Kapuna-puna rin ang PRESIDENTIAL SEAL sa naturang dokumento.., kasi, parang ginamitan lang ng photoshop, isang makabagong web app na tampok sa Google Store.
Sana naman.., bigyang linaw na ng NBI at CIDG ang usapin sa mga FAKE APPOINTMENT lalo pa’t hindi biro ang naturang bulilyaso.
Sa punto ng ARYA ay hindi dapat palampasin ang isyung yan.., dahil sa mga henyo sa larangan ng pekeng lagda at photoshop ay baka mapahamak pa si PBBM na iniluklok ng 31 milyong Pilipino.
Huwag sana nating ipagwalang-bahala na may mga lihim na nag-iinteres at nagpaplanong ipahiya.., o kung hindi man ay pabagsakin ang produktibong performance ni PRESIDENT BONGBONG MARCOS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.