Advertisers
MAY bagong liderato sa NCR VIII Metrowalk Ortigas Commodores Golden Eagles Club. Isang young blood na pinuno ang gagabay sa naturang civic organization for a cause.
Ang ating kaisport,ka- musikahan at ka-ADBOKASIYANG si kagalang-galang Bernard Toledo na ang may timon sa pinagpipitagang samahang kapatiran sa bisa ng mayoryang mandato ng pagkahalal kamakailan lamang.
Ang naging responsable at decorated na alagad ng batas ng Republika ay kasalukuyang matagumpay na businessman at may ginintuang puso para sa kapwa, ay malugod na tinanggap ang naiatang na tesponsibilidad na kailangang balikatin upang patuloy na ipreserba ang legasiya ng pinamumunuang brotherhood organization na nasa umbrella ng THE FRATERNAL ORDER OF EAGLES(Philippine Eagles)-the Philippine born Fraternal Socio Civic Organization.
Service through strong brotherhood ang pinaka buod ng pinamumunuang kapatiran ni Pres.Toledo na kanya namang ipinangakong di niya bibiguin ang lahat na may mataas na ekspektasyon sa kanyang young leadership.
Tampok sa kanyang misyon ang maibaba ang tulong sa mga lugar na kung saan ay di masyadong naaabot ng ayuda ng gobyerno. Bilang Agila ay sisikapin niyang maisakatuparan na makapag – medical mission,livelihood o hanapbuhay para sa needy kababayan at pagtuturo ng Spiritual na aspeto upang di malayo ang mga kabataan sa DIYOS sa pamamagitan ng missionaries.
Katuwang ni Toledo sina Ferdie Urrutia(club vice pres.), Cia Amalingan( club secretary), Neithan Alcazar( club treasurer) at club auditor na si Rosendo Manliquez.
Ngayon pa lang ay HATS OFF at SALUDO imbes na UPPERCUT ang pagpupugay ng korner na ito sa bagong liderato… sa koponan ni Pres Toledo..serbisyo ay TODO!..Abangan!!!