Advertisers

Advertisers

Crime / vice crusaders magsusumbong kay First Lady… PBBM BINUBULAG SA MULTI-BILLION TONGPATS SA VICES!

0 355

Advertisers

BUKOD sa reklamong ipinadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos ,Jr., plano ng CALABARZON- based crime/vice crusaders na idulog kay First Lady Liza Araneta-Marcos ang multi- billion vice operations sa Region 4A dahil sa kutsabahan na namamagitan sa kapulisan, operator at financier ng sindikato sa rehiyon.

Ipinaalam na sa Presidente ang vice operations sa area of responsibility (AOR) ni Police Brig. General Jose Melencio Nartatez, Jr. tulad ng jueteng, sakla, lotteng, pergalan, paihi at iba pang uri ng kailigalan, sa pamamagitan ng sulat na ipinadala ng nasabing grupo, subali’t hanggang ngayon ay wala pang sagot si PBBM, kuwento ng informant.

Maaring nakarating na ang sulat sa Pangulo at pinakumpirma na ang nilalaman nito, pero may duda ang mga crusader na baka kasinungalingan ang iniuulat ng liderato ng PNP, kabaliktaran sa sumbong na tunay na nangyayari para makaligtas sa anomang kaparusahan na maaring ipataw sa kanila ng Marcos administration.



Ayon sa mga crusader, kaya wala pang aksyon si PBBM ay dahil maaaring “binubulag” ito ng PNP sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pagsasabi ng hindi totoo sa tunay na nangyayari sa isiniwalat ng grupo na kutsabahan ng PNP, partikular ng police Regional 4A command at mga vice operator sa tinawag na multi-billion tong racket sa CALABARZON area.

“Bilang Presidente, si PBBM ay sobra ang pagiging abala kaya naiintidihan namin ang mabagal na aksyon sa aming sumbong, ayon sa mga crusader, kaya minarapat at nagdesisyon kami na dalhin din kay First Lady Liza Araneta – Marcos ang nangyayaring kabulastugan sa balwarte ni Laguna PNP Provincial Director, Col. Randy Glenn Silvio.

Naniniwala kami na sa pamamagitan ni First Lady, ang aming ibinulgar na ‘unholy alliance’ na namamagitan sa R4A, PNP at vice lord sa billion worth vice at drug business na dahilan ng mataas na crime rate sa CALABARZON ay mabibigyan ng solusyon sa lalong madaling panahon”, pahayag nila.

Patuloy na kinokondena ng grupo ang kawalan ng aksyon nina PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr.; at Nartatez Jr. sa lantarang operasyon ng iba’t ibang uri ng sugal at maging ang oil smuggling sa Batangas Port, paihi sa bayan ng Lemery at Lipa City na dahilan ng dumaraming insidente ng kriminalidad sa CALABARZON.

Si Azurin Jr. bilang PNP Chief, at Nartatez Jr. bilang R4A Director ay malaki ang pananagutan sa ‘di mahinto-hintong vice operations.



Sa Principle of Command Responsibility ng PNP, sina Azurin Jr. at Nartatez Jr, kasama ang provincial commanders ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay pasok sa pagpapabaya sa tungkulin, na ang parusa ay pagkakulong at pagkatanggal sa serbisyo dahil sa patuloy nilang pagbubulag-bulagan sa namamayagpag na vice operations sa kani- kanilang hurisdiksyon.

Kalat ang ulat na hindi lamang sa R4A headquarter sa Camp Vicente Lim, Laguna, sa mga provincial PNP headquarter, city at town police station, sa Camp Crame at maging sa buong CALABARZON na may ilang indibidwal ang nangongolekta ng tong gamit ang mga pangalan ng ilang police officials, subali’t nakakadudang hindi kumikilos, binabalewala ang ulat na alam nilang kahihiyan at nakakasira ito sa imahe ng PNP.

Mismong mga tong kolektor na sina Timmy alias Charlie (gambling lord din), sibilyang si Butch alyas Sgt. Corpuz, Sgt. Adlawan, Idolog, Sgt. De Guzman alyas Digoy, alyas Major Seno, Abcede at iba pa, ang nangangalandakan na sila’y nagdadala ng ilang milyong piso sa opisina ng Chief PNP, P5million sa opisina ng Regional Director, at mahigit Pl milyon sa bawat opisina ng limang provincial commanders kada linggo bilang lagay ng mga vice operator. May karugtong bukas. (CRIS IBON)