Advertisers
KINUMPIRMA ni Southern Police District (SPD) Director, BGen. Kirby John Brion Kraft, na may bagong rebelasyon ang sumukong gunman sa Percy Lapid murder case
Sinabi ni Kraft na may iba pang mga pangalan na binanggit si Joel Escorial na may kaugnayan sa pagpatay kay Lapid.
Masusi namang iniimbestigahan ng SPD ang mga bagong impormasyon mula sa gunman.
Sinabi ni Kraft na sakaling totoo ang bagong pasabog ni Escorial, malaki aniya ang maitutulong nito sa pagtukoy sa mastermind sa krimen.
Kabilang sa hawak ng mga awtoridad ang bank account ni Escorial kungsaan nakita sa record kung sino ang nagbayad sa kanya para patayin si Lapid.