Advertisers

Advertisers

Twin projects para sa kailangan ng dugo at minor operations pinangunahan ni Mayor Honey at VM Yul

0 169

Advertisers

KAMBAL na proyektong tutugon sa mga nangangailangan ng dugo at minor surgeries ang inilunsad sa premier Sta. Ana Hospital (SAH) nitong Miyerkules.

Ito ay pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor yul Servo-Nieto kasama sina Sta. Ana Hospital Dr. Grace Padilla, City Engineer Armand Andres at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan. Naroon din si Reinaldo Bautista, pangulo ng Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. at Operation Smile Philippines Executive Director Emiliano Romano.

Nilagdaan ni Lacuna ang Deed of Donation sa nasabing foundation na siyang sasagot sa lahat ng gastusin sa pagtatatag ng blood bank sa nasabing ospital.



“Layunin nito na mag-imbak at palagiang magkaroon ng dugo na magagamit sa mga pasyenteng kailangan masalinan sanhi ng ginawang operasyon. Malaking tulong ito, lalo na sa mga kababayan nating kapus-palad. Alam natin kung gaano kahirap maghanap ng dugo para sa mga pasyente,” sabi ni Lacuna.

Matapos ang groundbreaking ng Blood Bank, pinangunahang muli nina Lacuna at Servo-Nieto kasama si Padilla ang ribbon-cutting ng bagong Ambulatory Surgical Clinic sa second floor ng SAH, ito ay sa pamamagitan ng ayuda ng Operation Smile Philippines, kung saan binanggit ng kauna-unahang alkalde ng Maynila at ni Padilla na palagiang tumutulong sa SAH sa pagsasagawa ng libreng operasyon sa mga batang may cleft palate.

“Ang naturang Ambulatory Surgical Clinic ay regular nang magagamit sa pagsasagawa ng iba pang mga opersayon gaya ng pagtatanggal ng mass, pagtutuli, pagba-biopsy, pagtatanggal ng bukol at iba pa,” ayon kay Lacuna.

Idinagdag pa nito na: “Malaking tulong din itong Ambulatory Surgical Clinic sa pagnanais nating itaas ang antas ng Sta. Ana Hospital mula Hospital Level 2 patungong Hospital Level 3. Sa katunayan kahapon ay nakapasa na at nabigyan na ng Department of Health accreditation yung bubuksan nating Ambulatory Surgical Clinic. Kaya, congratulations sa inyo at tuloy na tuloy na ang paggamit natin ng inyong bagong pasilidad.”

Samantala, ayon naman kay Padilla: “The Hospital Blood bank facility is Sta Ana Hospital’s response, to cases like medical cases that include excessive blood loss seen Dengue, trauma, postpartum hemorrhages, blood disorders like anemias, and leukemia, thalassemia) and even plasma disorders (Hemophilia and other clotting factors deficiencies) and Major Surgical Operation where blood and blood products are very much needed. “



Sa kabilang banda, sinabi naman ni Padilla na ang ASC o Ambulatory Surgery Center ay isang healthcare facility kung saan ang minor surgical procedures ay puwede ng gawin at ‘di na kailangang mamalagi ng overnight.

“It’s one of the newest services offered by our hospital which is separate it from the hospital’s outpatient service,” ayon pa kay Padilla. (ANDI GARCIA)