Advertisers

Advertisers

Jennylyn tagumpay sa balik-alindog para mabalik ang kaseksihan

0 211

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BACK to basic ang beauty ni Jennylyn Mercado pagdating sa pagpapaseksi. Kahit noong una pa man ay madalas si Jen na nagwork-out sa gym o kaya mag-exercise para mapanatili ang kanyang malusog na pangangatawan at kaseksihan. Active rin siya sa sports na Triathlon.
Pero nang manganak si Jennylyn sa baby nila ng mister na si Dennis Trillo ay lumobo ang katawan ni Jennylyn kaya one month after na nagsilang ang Kapuso actress ay sabak na agad siya sa work-out.
Isa sa dahilan kung bakit work hard to be fit si Jennylyn ay dahil binigyan niya ang sarili ng hanggang sa susunod na taon para magbalik sa showbiz.
At isa sa nakaabang na project na gagawin niya ay ang serye nila ni Xian Lim na naudlot dahil sa nagbuntis si Jen sa umpisa palang ng kanilang lock in taping, ang “Love.Die.Repeat”.
To date ay halos six months na nag wowork-out si Jennylyn at malaki-laki na rin ang nabawas sa kanyang timbang at improvement sa kaseksihan.
“Work in progress. 6 months postpartum and pilates,” say ni Jennylyn sa caption niya sa photo na ini-upload sa kanyang socmed accout, habang nagwo-work-out.
***
KADA sexy movie na ginagawa ng isa sa pinakaabalang sexy bombshell ay may kakaibang atake lagi ang sexy scenes ni Rob Guinto. Tulad na lang nitong sa latest movie niya na “Showroom” kung saan ay may mainit na eksena sila ng baguhang aktor na si Alvaro Oteyza at ang set ay sa labas ng isang malaking building.
“We have a love scene ni Alvaro Oteyza na gagawin sa labas ng isang building, e maliwanag pa. Tapos may bar sa katapat na building na may mga tao pa at makikita kami. So noong una, nahihiya pa kami but we said, sige, i-push na lang natin for the sake of the movie.
“In fairness, maganda naman ang pagkaka-shoot doon sa eksena. Sana mapansin naman ang acting ko rito, kasi ang role ko rito, iba sa lahat ng ginawa ko before,” say ni Rob.
Bukod sa pagiging sexy star ay isa ring social influencer si Rob kung saan ay mayroon na siyang more or less 4 million, at inamin ni Rob na hindi na rin bago sa kanya ang mga indecent proposals at bashings.
“Yung indecent proposals, hindi na mawawala yun, pero expert na ko dyan.
“I know how to handle them, pati bashers who judge me for doing sexy films. Basta sa akin, gagawin ko yung trabaho ko at makinood na lang kayo,” dagdag na say ni Rob.