Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISA ang Running Man Philippines sa may pinakamataas na ratings sa mga Kapuso programs.
“Sobrang thankful na maging parte ng programang ito,” umpisang bulalas ni Kokoy de Santos na isa sa mga Pinoy runners ng Running Man Philippines.
“At siyempre sa bumubuo ng Running Man Philippines. Siyempre sa dinami-rami ng puwedeng i-cast dito, di ba, napasama ako tsaka bago lang naman ako sa GMA kaya sobrang thankful ako na maging part.
“At sa lahat ng mga nanonood ng Running Man, lahat ng supporters ng Running Man Philippines, thank you!”
Bukod kay Kokoy ay may anim pang Pinoy runner sa Running Man Philippines at sila ay sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Ruru Madrid.
Nakausap namin si Kokoy nitong Sabado, October 15 sa GMA/NCAA All-Star Celebrity Basketball sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.
Bukod kay Kokoy ay naglaro rin ang mga Sparkle/Kapuso stars na Jeric Gonzales, Prince Clemente, Kirst Viray, Jose Sarasola, at ang PBA legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller at ang muse nilang si Shaira Diaz.
Nasa ibang koponan naman sina Pancho Magno, Migs Villasis, Raheel Bhyria at ang PBA legends na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic at ang muse nilang si Lianne Valentin at ang NCAA athletes. Dumalo rin ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso.
***
NAKU editor Blessie, first time kitang nakitang drink galore at iyan ay sa susyal na Seda Vertis North Hotel ballroom kung saan ginanap ang bonggang launch ng baguhang female singer/songwriter na si Tera.
Hindi naman kita masisisi bagkus ay ginaya pa nga kita (ikaw ang ginaya ko–ed) dahil bumaha kasi ng alak at pagkain sa gabing iyon habang nae-entertain pa tayo sa mahusay na performance ni Tera na ang tingin namin ay tila young Lara Morena ang ganda.
At seksi rin si Tera huh, kaya naman bumagay sa kanya ang mga medyo revealing outfits (yes, maraming beses siyang nagbihis!) ni Tera that night.
Hindi nagkamali ang Tyronne Escalante Artist Management (TEAM) na makipag-join forces sa Merlion Events Production Inc. para patakbuhin ang musical career ni Tera.
Maging ang choices of songs na inawit ni Tera that night ay maiinam tulad ng Higher Dosage, Facade at iyong Sa Dilim na halata ring ginastusan nang husto ang music video.
All-out din ang suporta ng buong pamilya ni Tera sa very successful media launch niya na hudyat na si Tera ang isa sa mga next important artists ng 2023.
***
NAPAPANAHON ang episode ng Magpakailanman bukas, 8:15 ng gabi.
Dahil Halloween na, nakakatakot ang Sa Kamay Ng Fake Healer episode na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado.
Gaganap na mister ni Jennylyn (as Mylene) sa naturang Magpakailanman episode si Juancho Trivino (bilang si Rico) at ang faith healer naman na si Noel ay gagampanan ng theater/TV actor na si Anthony Falcon, sa direksyon ni Don Michael Perez.