Advertisers

Advertisers

Bianca naimbiyerna at niresbakan ang nam-bash sa YT channel

0 297

Advertisers

Ni JOVIE LLOZA

NAINIS si Bianca Gonzales na may mga basher na ipinangangalandakan na ang kanyang You Tube Channel ay walang views.
Kaya diniretsa nito ang bashers na huwag pakialaman ang page ng may page.
Intindihin nga raw ng bashers ang sarili nitong channel kung paano pa niya mapapaganda at huwag punahin ang kanyang channel sa socmed.
Binara nito na may problema ba ang bashers sa 2.3K na views ng kanyang YT channel?
Ang mahalaga lang kay Bianca ay makatulong sa ginagawa nitong advocacy regarding sa mental health.
Kahit daw 1, 5, 10 or 20 views ay okey lang ang mahalaga ang motive ng kanyang channel ay makatulong.
May kanya-kanya nga raw taste ang netizens kung ano ang gusto nilang panoorin kaya okey lang sa kanya ang 2.3K views.
Di na nito hinangad pa na maka-50K or 1M engagement satisfied na ito sa nag-views na 2,300 views. Ipinagtanggol naman ng netizens si Bianca na dedmahin na lang ang bashers na halata naman daw na epal at papansin.
Bakit views niya ba ilan? Baka wala pa nga 10 views ayon pa sa netizen na nagtanggol kay Bianca.
***
Sarah proud na mailagay sa giant digital billboard sa Times Square, NYC
WALANG pagsidlan ng tuwa si Sarah Geronimo nang ibahagi niya kamakailan ang paglagay ng kanyang larawan sa giant digital billboard sa Times Square New York City.
May caption pa nga ito ng ” thank you SpotifyPH” na handog ng EQUAL.
Timing naman na may bago itong awitin na inilabas na may titulong Dati Rati.
Matagal ding di nasilayan si Sarah after na nawala ang ningning ng showbiz career noong kasagsagan ng COVID-19 noong 2020.
At ngayon nga ay muling nasisilayan ang Pop Princess dahil sa bagong released na awitin.
Nakita rin si Sarah sa graduation rites ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli na puwede nang maging PSG or Presidential Security Guard.
Proud si Sarah at kahit namahinga ito ng ilang taon eto’t pasabog muli ang pag-alingawngaw ng kanyang namesung sa showbiz world.
Well, well, well…’Yun na!