Advertisers

Advertisers

LIDERATO NI GEN JUNAZ AZURIN JR. AT BGEN MELECIO NARTATEZ JR!

0 754

Advertisers

IPAGPAUMANHIN ang paglalahad natin ng walang kinikilingang pananaw, bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag sanang magagalit, ngunit sa mga takbo ng pangyayari ay mahina ang liderato o pamunuan nitong sina Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin Jr. at Regional Police Office 4A, BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. kaya kung may delicadeza ang mga ito – aba’y magbitiw na sila sa kanilang puwesto para maibigay sa ibang police officials na qualified sa posisyon.

Sa nakikita ng madla, hindi kuwalipikado, di nararapat ang dalawang mataas na opisyal na ito sa kanilang hinahawakang posisyon kung pagbabasehan ang sorry state ngayon ng bansa na ang krimen ay kaliwa’t kanan at ang maraming sangkot ay mga kagawad pa ng Pambansang Kapulisan.

Pakiwari natin, walang leadership na maipagmamalaki si Azurin Jr. dahil mismong mga subordinates ay hindi siya sinusunod, kaya naman ang mga tauhan sa ibaba, lalo na yaong mga tinatawag na bad eggs na nagawang disiplinahin ng mga nakaraang PNP chief ay muli na namang bumalik sa maling wisyo.



Ang pagmamalabis ng mga nalilisya ng landas na mga pulis ay kalat sa nga regional police command sa buong bansa, at klasikong halimbawa ay ang pinamunuan ni RD4A Police Director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ang mga tinawag na bulok na alagad ng batas ay “lima singko”.

Ang ibig sabihin ay napakarami, kaya ang rehiyon ay mataas ang crime rate at ang iligal, tulad ng STL-con jueteng, lotteng, sakla, pergalan paihi at iba pang kailigalan ay lantaran, namamagyapag ang operasyon lalo na sa Tanauan City Batangas, San Pablo City, Laguna, ibat ibang panig ng Quezon, Rizal at mga bayan ng Tanza at Indang sa Cavite.

Sa rehiyon ni Nartatez Jr. na kilala rin sa tawag na CALABARZON area dahil binubuo ito ng lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay parang kabute ang operasyon ng lahat ng uri ng kailigalan, isama mo na ang di mahinto hinto at lantaran ding bentahan at paggamit ng shabu na mismong mga pulis pa kung di vice operator o financier, ay “patong”, tong collector ng kanilang mga superiors na police chief at provincial commanders?

Ang namumutiktik na illegal vices ang numero unong dahilan kaya ang droga ay nabibili kahit saan, dahil ang mga vice dens ay nagsisilbi ring bagsakan at tindahan ng shabu kaya mga mananaya ay mga adik na hindi lamang sa sugal kundi sa shabu.

Ang mga bagay na ito at tila pinasinungalingan ni MAJOR EMERSON FIGURACION, ang R4A intelligence chief at pinagkakatiwalaang intelligence officer ni Nartatez Jr.



Bilang intelligence officer, wala dapat makakatakas kay FIGURACION, pero kung hindi niya alam ang nangyayari diyan sa CALABARZON, aba’y sipain mo na yan Gen. Nartatez sir, isama mo na rin si Sgt. Mike Punzalan na pinagkakatiwalaan ni FIGURACION?

Dahil itinalaga ni BGen. Nartatez Jr. si FIGURACION bilang regional intelligence team leader na saklaw lahat ang mga intelligence group, isama mo na ang intelliegence team ng bawat provincial command na nasasakop ng R4A.

Kuwento kasi ng ating police insider, may utos ang itaas – di ko masiguro kung kay Azurin Jr. o kay Nartatez Jr. na siyasatin at ivalidate ang mga media expose tungkol sa vice operaton sa rehiyon lalong-lalo na sa Cavite pero itong si FIGURACION hindi inirereport ang katorohanan, puro daw negative ang ulat, walang illegal na sugal na mangyayari sa kanilang AOR kaya naman sina Azurin Jr ay mistulang bulag o nagbulag-bulagan?

Pero sa ganang atin, hindi dapat maniniwala sina Azurin Jr. at Nartatez Jr. sa laging negative report nina FIGURACION dahil bilang mga matataas na opisysles ng PNP, tandaan nila na kaya sila hinirang ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa puwesto ay dahil sa tiwala na buong husay na magagampanan nila ang trabahong iniatang sa kanila ng Presidente.

Subalit sa nakikita ngayon ng sambayanan, tila pumapalpak ang dalawang PNP officials dahil hindi nila nagagawa ng maayos ang kanilang tungkulin.

Hindi na mabubula, maloloko ang taumbayan, lalo na yaong mga residente ng Cavite at CALABARZON sa kabuuan dahil sila mismo ang makakapagsabi sa tunay na nangyayari, talamak ang mga iligal na pasugal lalo na sa mga bayan ng Tanza at Indang sa hurisdiksyon ni Cavite OIC PD, Col. Christopher F. Olazo.

Kaya dapat kumilos sina Azurin Jr.at nartatez Jr., tanggalin nyo na sina FIGURACION bilang R4A intelligence chief at si Sgt Punzalan na intel operative dahil walang mabuting maibabahagi ang dalawang palpak na intel officer kuno na ito.

Baka gustong lakad lang nila ay kumita, pumatong, mangolekta ng tong sa mga iligalista partikular sa mga sakla den na naghambalang sa Borland, Brgy. Sanja Mayor, Brgy. Poblacion, Daang Amaya 1, Daang Amaya II, Julugan VI, Julugan VII, Julugan VIII, pawang sa bayan ng Tanza at mga piling lugar doon at maging ibat-ibang parte ng bayan ng Indang.

Mahirap bang tanggihan ang intelhencia o weekly tongpats ng mga sakla operator na sina Erk Turok, Governor’s Squad (Minong Kupal, Totoy Tiyanak, Elwin, Hero) at Tagoy, kaya puro negative ang ulat nina Figuracion at Punzalan sa kanilang immediate superior at kay RD Nartatez Jr?

Sa sobrang kapalpakan ngayon ng PNP, siguro ay panahon na para tawagin ni PBBM ang militar na tumulong sa kapulisan, lalo na sa intelligence aspect para magsagawa ng counter intelligence operation sa mga ginagawa ng mga pulis. MAY KARUGTONG…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com