Advertisers

Advertisers

Manileño, hinikayat ni Mayor Honey na mag-donate ng dugo

0 185

Advertisers

HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga Manileño na mag-donate ng kanilang dugo kung kaya naman ng kundisyon ng katawan.

Ginawa ni Lacuna ang apela dahil ayon sa kanya ay napakahirap humanap ng dugo para sa isang pasyenteng nangangailangan nito.

Sa kanyang panawagan sa mga nagnanais na magbigay ng kanilang dugo ay hinimok niya ang mga ito na magpunta lamang sa Sta. Ana Hospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng direktor nitong Dr. Grace Padilla.



“Alam natin kung gaano kahirap maghanap ng dugo para sa mga pasyente, kaya’t hihikayatin din natin ang ating mga kapwa Manilenyo na may kakayahang magbigay ng kanilang dugo na dito na sa Sta. Ana Hospital magpunta,” pahayag ng lady mayor.

“Hindi naman natin kailangang hintayin na tayo o ang mahal sa buhay natin ang mangailangan bago tayo makaisip ng pagdo-donate ng dugo. Bagkus, gawin natin itong daan sa pagkakawang-gawa,” dagdag pa nito.

Ilang araw na ang nakakaraan nang lagdaan ni Lacuna ang isang Deed of Donation sa pagitan ng Jaime Ongpin Foundation na siyang magi-sponsor ng Blood Bank sa Sta Ana Hospital.

Layunin ng nasabing Blood Bank ang makapag-imbak at magkaroon lagi ng available na dugo para sa pasyenteng nangangailangan nito lalo na pagkatapos operahan.

Ayon naman kay Padilla, ang nasabing Blood Bank sa Sta Ana Hospital ay isang mahalagang pasilidad para sa tertiary hospital service, dahil layunin nitong maging self-reliant sa mga dugo at produkto nito.



“This aims to ensure compliance. with standards by adopting the principle of voluntary blood donation. SAH Blood bank aims to ensure that these ethical principles are taken on, with its operations towards acquiring, a steady blood and blood products supply, ” ayon kay Padilla.

Idinagdag pa nito na: “Such will be the City of Manila and Sta Ana Hospital’s response, to cases like medical cases that include excessive blood loss seen Dengue, trauma, postpartum hemorrhages, blood disorders like anemias, and leukemia, thalassemia) and even plasma disorders (Hemophilia and other clotting factors deficiencies) and Major Surgical Operation where blood and blood products are very much needed.” (ANDI GARCIA)