Advertisers
Saan na nga ba papunta ang imbestigasyon sa Percy Lapid case?
Nagsanga-sanga na ang mga anggulong nag-uugnay sa nasabing kaso ng pamamaslang sa hard-hitting broadcaster.
Maraming indibidwal na ang nadadamay at nakikisawsaw.
Pero ang buttom line nito sa paningin ng inyong lingkod, isa itong grand conspiracy na hindi pa natin maarok ang tunay na motibo.
Noong una kasi, inakala nating straight and simple liquidation plot ito laban kay Ka Percy dahil nga sa napakarami itong sinagasaang indibidwal sa kanyang pagbatikos sa kanyang programa sa radio.
Ngunit nagkaroon ng “twist” sa kung sino talaga ang nasa likod o utak at tunay na motibo sa nangyaring pananambang.
Makaraang sumuko ang gunman na si Joel Escorial at ituro nito ang dalawang “middle man” na nasa loob ng Bilibid at BJMP para ipapatay ang broadcaster na si Lapid.
Ngunit right after na iprisinta ito sa media ni DILG Sec. Benhur Abalos at ng PNP, or few hours to be exact, namatay naman sa loob ng National Bilibid Prisons ang isa sa mga itinurong middle man o contact ng gunman na si Escorial na si Jun Villamor.
Dito na nag-umpisa ang paglabutaw sa kaso ng pagpatay sa broadcaster kung saan pati ang hepe ng Bureau of Corrections na si Director General Gerald Bantag ay sinibak at isinama na rin ng Task Force Lapid sa160 “persons of interest” na posibleng may kinalaman sa pagpatay sa mamamahayag na si Lapid.
Bigla ring lumutang ang kapatid na babae ng nasawing middleman mula probinsiya para umano magbigay ng mga impormasyon patungkol naman sa ibinilin sa kanya ng kapatid na si Jun Villamor bago pa man ito nasawi noong Octobre 18 sa loob ng Bilibid.
Exchanges of messages ito sa celfon.
Ika nga ni DOJ Sec. Boying Remulla, maikokonsidera ito na isang “dying testimony”.
Nasa Witness Protection Program na ng DOJ ang kapatid ni Villamor na si alias Marissa.
Nagsagawa rin ng biglaang press con si Senator Riza Hontiveros patungkol naman sa isa pang impormante na nangingikil umano sa pamilya Lapid kapalit ng impormasyong alam nito sa Percy Lapid slay.
As of this writing, pagulo nang pagulo ang imbestigasyong isinasagawa ng PNP.
May parallel investigation ding ginagawa ang NBI patungkol din sa nasabing kaso.
Sabi naman ni SPD Director Gen. Kirby Kraft na “closed case” na ang Percy Lapid slay pero agad itong kinontra mismo ni chief PNP, Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Ano na ba talaga mga KUYA?
From all fronts, tila lahat gustong makisawsaw at umeksena.
Papasok pa ang Senado na magsasagawa rin ng kanilang sariling imbestigasyon sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs chaired by Sen. Bato dela Rosa.
Diyos ko nanang ko.
Parang tsubibo sa karnabal ang nangyayari.
Full of funfares ang nagaganap sa halip na isang seryoso at sagradong imbestigasyon ang isinasagawa.
Ang sigurado lamang natin, sa loob ng Bilibid naka-sentro at naka-focus ang imbestigasyon.
Kilalanin si Herman Luna Agoo , druglord ng Tanauan, Batangas at isa ring inmate sa Bilibid.
Ano kinalaman n’ya sa Lapid slay case.
ABANGAN.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com