Advertisers
TAGUMPAY na inilunsad si songwriter- singer-dancer Tera nitong nakalipas nanMartes, Oktubre 25, 2022, ng Merlion Events Production Inc. at Tyronne Escalante Artist Management TEAM, sa isang press launch, sa Seda Hotel, Vertis North, QC.
Pinerform ni Tera (Earth sa Latin) ang music video ang kanyang latest single, “Higher Dosage.”
Ang Higher Dosage na nilikha ni Tera noong 2019 ay ukol sa self- composed alternative pop single ang “dark” themes: alcohol, illegal substances/drugs, at kung paano hinaharap ng tao ang problemang ito.
Batid ni Tera na “kaiba” ang musika niya sa kinasanayan ng pop fans, pero, aniya, ito ang dahilan kung bakit “necessary” ang kanyang musika/awit.
“Marami nang love songs – finding it, losing it. Kaya ang inaalok ko ay real, deeper emotions, life events, at humanity. Kaiba ang debut single na ito sa kinasanayan ng tao, pero alam kong maski sino ay makaka-relate rito,” pahayag ng dalaga.
Grabe naman ang kanyang paghahanda sa kanyang music video.
Likha nga pala ang kanyang magagandang sayaw nina Douglas Nierras, Chrisy Sawada, at Froi Dabalus.
Nag-piano training din siya sa Yupangco Music Academy, Voice Masterclass ni Monet Silvestre, at The Madz Studio sa pag-coach ni Alfred Samonte.
Sa kanyang press launch, sinayaw at inawit ni Tera, bukod sa “Higher Dosage” ang dalawa pa niyang singles, ang “Façade” at “Sa Dilim.”
Nakipag-duet din siya sa guest niyang si JM de Guzman, isa ring total performer (actor, singer) at pilot. Inamin ni JM na naka-relate siya sa mga komposisyon ni Tera, mga awit na may “dark” tones.
Ikinuwento ng mahusay na singer na nakalakihan niya ang panunood ng live concert CDs nina Michael Jackson at Beyoncé, na kapwa humubog sa kanya bilang performer.
“Mula pagkabata, nagpi-perform na ako sa mga tao, at never akong napagod ibahagi ang aking talento.
“Umaasa akong di-magtatagal, makaka- relate din ang tao sa aking mga likhang awitin at magugustuhan nila ang aking performances.”
Sey naman ni TEAM Manager Tyronne Escalante: “Si Tera ang sumusulat ng sarili niyang songs… isa siyang natural-born performer. Aabangan namin na siya’y makilala ng madla at hangaan sa kanyang kakaibang music at dito, susuportahan namin siya all the way.” (Blessie K. Cirera)