Advertisers
Pakikiramay at pakikidalamhati ang nais ipaabot ni Basilan Congressman Mujiv Hataman para sa mga kapamilya at kaanak ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng, kasama ang napakaraming mag-anak na nasalanta ng kalamidad na ito.
Panawagan sa kinauukulang ahensya ng gobyerno ang hiling ng mambabatas mula sa Basilan at maging sa pribadong sektor, na magpadala ng agarang tulong para sa mga biktima ng bagyo, lalong-lalo na sa lugar ng BARMM kung saan mataas ang bilang ng mga nasawi.
Hiling din natin sa national government na hangga’t maaari ay i-augment ang kapasidad ng LGUs at tumulong sa search and rescue operations para sa mga nananatiling unaccounted pa at nawawala nating kababayan.
“Pagkatapos ng ating pakikiramay at pagtulong sa mga biktima ng bagyo, hinihikayat ko ang lahat na pag-aralang mabuti kung bakit nangyari ang mga naganap nitong nakaraan, hindi upang magbunton ng sisi kundi maghanap ng mga paraan kung paano natin ito maiiwasan sa mga susunod na kalamidad” ani Hataman.
Nais rin nating ipahayag ang ating pag-saludo sa ating mga rescue workers na itinataya ang sarili nilang buhay sa pagliligtas ng mga nasalanta nating kababayan. Sa ganitong mga pagkakataon, nakikita natin ang kanilang katapangan at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.
Dalangin namin ay manatiling ligtas ang lahat at sama-sama tayong tumulong sa mga direktang apektado ng bagyong Paeng. (Cesar Barquilla)