Advertisers

Advertisers

Korina at Karen nagharapan at nagkapaliwanagan na

0 192

Advertisers

MAGSASAMA sa TV ang dalawa sa pinakamatatagumpay na kababaihan sa media industry.

Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila ang magiging panauhin ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews.
Kabilang ang dalawa sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid- balita sa bansa. Nakilala sina Korina at Karen sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko

Sa Korina Interviews, makikita ang masayang kwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin sila nagpahuli sa kanilang ‘straight forward’ na mga pahayag at tanong. Sinabi pa ni Karen na takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”



Panuorin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, alas-5 ng hapon sa NET25.