Advertisers
Nasabat sa isang checkpoint ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Kalinga Philippine National Police (PNP) sa Sitio Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga ang marijuana na nagkakahalaga ng P24 milyon.
Kinilala ang mga suspek na sina Raechelle Kitongan Canao, 29; Augusto Binuloc Gunnawa, 38,; at Arnel Langao Wadwad, 26, pawang taga-Tulgao East, Tinglayan, Kalinga.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad na may dadaan sa Tabuk City na isang van na may kargang marijuana kaya’t mabilis na ikinasa ang checkpoint.
Narekober sa tatlong suspek ang 204 marijuana bricks na may timbang na 204,000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P24 milyon.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.