Advertisers

Advertisers

TRUTH SHALL MAKE US FREE

0 213

Advertisers

SIMPLE LANG ang pilosopiyang ito:

Ang katotohanan ang magpapalaya sa ating lahat.

Ang mga taong takot sa katotohanan ay ‘yung nag-iimbento at gumawa ng kasinungalingan.



Ang takot lamang ay ang mga taong may kasalanan, at gagawin nila ang lahat upang matakpan ang katotohanan.

Kasama rito ang patong-patong na hindi makatwiran kungdi man ay nakatatawa o nakaiinsultong mga dahilan, na lalong nagdidiin sa kanilang kasinungalungan.

Ngunit tulad ng kasabihang, “Walang lihim na hindi nabubunyag,” ganito rin ang kasinungalingan at ang katotohanan.

Lulutang at lulutang ang totoo at mabubulgar ang hindi totoo.

Nakalimutan ng mga taong ang malaking takot sa katotohanan ay patuloy itong ibaon sa lihim at pagtakpan at itago sa bayan, kahit pa gumawa pa ng kasamaan at pinakamatindi ang pumatay, ang ganti ng kalikasan ay tiyak at tiyak na darating.



Karma ang tawag dito, at sa kasabihang: Kung ano ang iyong itinanim, ito rin ang iyong aanihin.

“What they forgot, or never learned to begin with, is that when you silence truth, truth has a way of thundering forth even more loudly like a blast of trumpets before the walls of tyranny,” sabi ng isang sikat na kolumnista ng isang pahayagan.

Kung pinatatahimik mo ang katotohanan, hindi ito magagawa habang panahon, at ang lakas ng buwelta ng pagbalikwas ng pagkalantad ng katotohanan ay maitutulad sa pag-alingawngaw ng higit na lakas ng tunog ng trumpeta sa harap ng moog ng mga taksil.

Sabi pa nga, kapag tinakpan at binusalan ang bibig ng isang taong ang dila ay nagsisiwalat ng katotohanan, ang impit at daing niya ay maituturing na sambulat ng lahat ng pakakak upang ibulatlat sa lahat ang tinig ng katotohanan.

Maaaring ngayon, nakalibing at parang patay ang katotohanan.

Maaaring dumaan ang sampung taon o higit pang dami ng taon sa pagtatago o pagsikil sa katotohanan, pero kung pinatay man ang katotohanan, ito ay may kapangyarihang kusang mabuhay at maisigaw ang kasalanan ng mga suwail at kampon ng kasamaan.

At ang dila ng alab ng katotohanan ay patuloy na magsasalita at anoman ang kapangyarihan noon ng mga taong nabubuhay sa kasalanan at kasinungalingan ang siyang tutupok at magpapaabo sa kanilang kasamaan.

Patunay ang mga himagsikan ng mga tagapagtanggol ng katotohanan at kalayaan sa kasaysayan ng mga bansa sa mundo.

Ibinagsak ng mga makabayan at mandirigmang hukbo ng mga mamamayan ang imperyo at kaharian ng mga mapagsamantala.

Ganyan ang ganti sa mga taong mapagsamantala, mapang-api, mapagkunwari at mga taksil sa tiwala ng bayan.
***
Hindi madali na labanan ang kasamaan, lalong hindi madali ang manindigan sa katotohanan.

Nasaksihan na natin sa maraming pagkakataon, na ang nasa tama at nasa wasto ay madalas na nailalantad na siyang “may kasalanan” at ang kriminal ay nabibiyayaan pa ng korona ng parangal.

Marami pang mga ganitong kuwento at karanasan na ang pagsuwag sa katiwalian ay hindi madaling ipanalo.

Maraming kakampi ang kasamaan, at tanging ang matibay na paninindigan, matibay na pagtitiwala na ang baluktot kahit gaano pa kalalim ang pagkakatago, ito ay lulutang upang maiwasto ang mali
***
Totoo, at dapat na aminin, may mga ‘journalist’ o nagkukunwaring mamamahayag ang abusado, iresponsable at sadyang dapat na kasuhan ng libelo.

Sila ay mga propagandista, na ginagamit ang kalayaan sa pamamahayag sa paninira ng reputasyon, dangal at pagkatao ng kanilang target na pasamain sa publiko — ang dahilan ay maaaring sila ay bayarang ‘character assassins’ o sa dahilang politikal.

Pero mas marami sa amin ay matapat sa tungkukin bilang bahagi ng ‘4th Estate’ o pundasyon ng mamamayan laban sa katiwalian, malupit at mapanupil na pamamahala ng mga buktot sa pamahalaan at ng organisadong mga kriminal.

Sa layuning mapigil ang mga tiwali sa panulat at pamamahayag, nagiging biktima ng krimeng libelo ang matatapat na tagabandila ng katotohanan at ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ng taumbayan na maihayag ang kanilang saloobin, hinaing at aksiyon laban sa mga tiwali sa lipunan.

Ginagamit kasi ng mga kriminal at korap ang krimeng libelo upang sikilin, takutin at busalan ang matatapat na journalist sa pagsisiwalat ng kabulukan at kriminal na gawain.

Isang ‘drug lord’ ang buong tapang na nagsampa ng kasong libelo laban sa isang editor at reporter nito dahil sa sinigurado ng abogado nito na isang retiradong huwes na maipakukulong at pagmumultahin pa ng daan-daang libong piso.

Sa malaking takot, natigil ang expose laban sa drug lord.

Isa ito sa dahilan kaya sinuportahan natin noon si Senator Jinggoy Estrada na burahin na sa kodigo penal ang pananagutang kriminal sa libelo.

Ani Jinggoy, sapat at tamang parusa sa libelo ay ang pagbabayad ng multa, hindi ang pagkabilanggo.

Ang magbayad ng malaking halaga ay malaking banta at dahilan upang ang isang mamamahayag ay mapigil o matakot na magsulat at magpahayag ng kasiraan laban sa isang tao.

Panahon na ngayon na baguhin ang batas na libelo, at alisin ang parusa at pananagutang kriminal.

Kung maaari nga, alisin na ang krimeng libelo.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.