Advertisers

Advertisers

CHARLY CHAMP

0 140

Advertisers

HABANG lumalaon ay papalapit na sa kanyang pangarap na maging kampeon sa mundo ang isa sa ating pambato sa larangan ng boxing na si Asian champion at Olympian Charly Suarez.

Pinagningning ang misyon at ambisyon ng San Isidro,Davao del Norte pride na si Suarez matapos niyang matagumpay na naidepensa ang titulo nito sa World Boxing Association(WBA) Asian Boxing tilt upang maituon na ang kanyang pokus sa susunod nilang mission possible ,ang world championship katuwang ang kanyang longtime reliable buddy- buddy – coach Delfin Boholst.

Ang Business Administration Major in Marketing graduate ng Colegio de Carraga sa Mindanao na si Suarez katuwang si Boholst ay nakatakda nang magpakundisyon muli dahil optimistiko ang duo na malapit nang matupad ang kanilang pangarap- a crack for the world championship sa Estados Unidos.



“Kung mangangarap din lang ay yung matayog na,posible namang makamit basta’t may determinasyon,pagsisikap,disiplina patriotismo at pananalig sa Diyos,”ani pa Suarez sa panayam kasabay ng kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal, sa pamilya, mga kaibigan,taga-suporta, kanyang superior sa AFP, sa PSC ,POC at kanyang corporate sponsors na Enduro at Rotary Club of Pasay ni Joseph Uy na kanyang giya sa pagtupad ng pangarap .

Si Suarez ay nagsimulang nakilala sa Palarong Pambansa sa kanilang rehiyon na humahakot na rin ng medalya hanggang maging multi- medalist sa Southeast Asian Games at marating niya ang ultimate na Rio Olympics.

Kakapit- bisig ang international multi- medalist din at national boxing athlete turned coach na si Boholst at sa suporta at dalangin ng kababayan ay tiyak nang abot -kamay ang tagumpay… ABANGAN!!