Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PHYSICALLY tiring at emotionally draining para sa award-winning actor na si Elijah Canlas ang kanyang role sa horror film na Livescream na palabas na sa Vivamax sa Nobyembre 9.
Sa naturang obra ni Perci Intalan, ginagampanan niya ang papel ni Exo, isang selfish at ruthless social climber.
Dahil sumusobra na siya sa paggawa ng mga prank videos na nakakasakit ng mga tao, maraming nananawagan na huwag na siyang suportahan at kanselahin pa nga.
Isang araw, nagising na lamang siya sa isang kwarto at siya ay isang bihag. Sa umpisa, akala niya na isang prank lang ito ng kanyang nobya pero nagbago ito nang nakakatanggap siya ng utos na gamitin ang “torture wall”, at kung hindi ay maparurusahan ang kanyang nobya at lola.
Wala nang control si Exo sa kanyang sitwasyon at makararanas siya ng iba’t Ibang klase ng pang-aabusong pisikal, sekswal, at mental. At lahat ng ito ay naka-live streaming.
Ito ang unang beses na gumawa si Elijah ng horror film, at labis niya itong ikinatuwa.
“The horror/thriller genre is one of the most creative genres. The best ones always have the most unique concepts…We just went crazy with it (Livestream). It has this fresh way telling a familiar concept and I’m so proud of that. Livescream really brings a new sense of freshness and fun to Filipino horror. With memorable scares too! You’d know what I mean when you watch it,” aniya.
Tungkol naman sa pinaka-challenging na aspeto ng paggawa ng pelikulang ito, ibinahagi niya na dahil solo niya ang mga eksena ay talagang naghanda siya “physically and mentally” para rito.
“I was topless and barefoot for most of the film too. Covered in fake blood and dirt everyday. Had an accident during one of the stunts. But what’s most memorable is the fact that I had a ton of “niknik” bites. Grabe yung mga sand mites na yun. My body was so red and so itchy. You have no idea. Couldn’t sleep at some point during the lock-in. Nahirapan na rin huminga at times dahil umabot na siya sa leeg ko. It was wild!”, kuwento pa niya.
Kasama rin sa pelikula ang MMFF Best Supporting Actress na si Phoebe Walker (Seklusyon) bilang Amanda, ang girlfriend ni Exo.
Ang baguhang aktres na si Kat Dovey ang napili mula sa audition para sa role ni Raiza bilang playful at cold-hearted vlogger.