Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Karen Davila sa talk show ni Korina Sanchez sa NET25 na Korina Interviews noong Linggo ng hapon, pinag-usapan nila ang tingin ng iba na may iringan sila sa ABS-CBN News Room noon.
Nang i-reformat kasi ang ABS-CBN prime-time newscast na TV Patrol noong 2004, si Karen ang pumalit kay Korina bilang news anchor.
Noong taong iyon ay nag-host si Korina ng sarili niyang programa na Rated K.
Balik-tanaw ni Korina: “Naunahan pa ng intriga. ‘Ay, ang pumalit kay Korina si Karen, so baka galit si Korina kay Karen.’
“Actually, hindi ah. Decision ng management iyon nung pinalitan mo ako sa TV Patrol. And there was [no animosity].
“Remember when Mar (Roxas, mister ni Korina) ran, I even invited you? Wala talaga yun kasi decision talaga iyan ng mga boss namin nung mga panahon na iyon.”
Tingin naman ni Karen, hindi maiwasang pagtapatin sila dahil sa nature ng kanilang trabaho.
Sabi ni Karen,”Feeling ko, because workwise, parang it was such a competitive environment where we used to work.
“Parang they would always pit people against each other, perhaps.
“It would be, let’s say after Korina, nandiyan si Karen.
“Napakahirap din nun for any woman, ha. Kasi nga you feel minsan either may hinahabol ka or hinahabol ka.”
Nanghihinayang si Karen dahil hindi sila nabigyan ng oportunidad na mas magkakilanlan ni Korina noong nasa ABS-CBN pa ang huli.
“Of course, you were very busy. But I feel it was a lost opportunity for me, for both of us,” ani Karen.
Sang-ayon ni Korina, “Sobrang busy. Iba-iba ang schedule natin.
“It’s not like nakakahuntahan ko nang madalas si Bernadette (Sembrano) or even Loren (Legarda). Talagang ang nakakausap ko lang ay si Ted (Failon) kasi siya yung partner ko.”
Ang Korina Interviews ay napapanood sa NET25 tuwing Linggo, 5pm.
***
USAP-USAPAN na hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa finale presscon kasi ng serye nila, maraming nakapansin na hindi sila sweet unlike noon na kapag magkasama ay laging magka-holding hands.
Pero ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrtada, walang katotohanan na nagkanya-kanya na ng landas ang KathNiel.
May isang netizen kasi ang nagtanong sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account tungkol sa hiwalayan ng Kathniel, na ang sagot niya ay walang katotohanan.
Tanong ng netizen published as it is, “Tita Karla please enlighten us na hindi totoo na break ang KathNiel or may problem sila po. May naglalabasan po kasing mga comments sa TikTok dahil lang sa pagsabi ni DJ na si Summer and definition ng pinaka loyal niya.”
At ang reply ni Karla: “WALANG KATOTOHANAN!!!”
So, ayan, siguradong matutuwa ang mga tagahanga nina Daniel at Katnryn dahil mariin ngang itinanggi ni Karla na hiwalay na ang dalawa.
At totoo ngang sina Kathryn at Daniel pa rin. Noong opening kasi ng bagong business ni Kathryn noong October 28, Friday, na isang boutique resort, na matatagpuan sa El Nido Palawan, sinamahan siya ni Daniel nang magpunta siya roon.