Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MATAGAL-tagal na ring hiwalay ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Kung si Aljur ay nali-link ngayon kay AJ Raval, nananatili namang tahimik ang lovelife ni Kylie Padilla.
Ngayong parating na Christmas season, may chance na kayang magkaroon ng bagong karelasyon si Kylie? Marami-rami rin naman ang nagpapalipad-hangin na kalalakihan ngayon kay Kylie, may napili na kaya ang kanyang byuti?
“Honestly, not looking. I think love comes when you don’t seek it out. Nakakapagod na kasi ‘yung palagi na lang nauuwi sa hiwalayan. I think I’m not up for it again,” say ni Kylie.
Kung matatandaan, huling nakaladkad ang pangalan ni Kylie sa isang guy, kay Gerald Anderson, kung saan ay nagsama sila ng ilang buwan sa ibang bansa para sa shooting ng movie na kanilang pinagtambalan. Natsika ngang buntis daw si Kylie kay Gerald, na pinasubalian naman ng magkabilang kampo.
Knows din ng lahat na feel talaga ni Kylie na magkaroon ng baby girl, since ang kids niya ay pawang boys, ngayon na no time for love si Kylie, kasama na rin kaya doon ang hindi na niya ninanais na magkaroon pa ng anak na babae in the future?
“Sometimes, but I think I’m done making kids,” makahulugang say pa ni Kylie.
***
UNANG sabak ni Kiko Estrada sa mga intimate scenes ay sa pelikulang pinagsamahan nila ni AJ Raval, ang “Sitio Diablo” at sa darating na November 25 ay muli na naman mapapanood ang panibagong movie na ginawa ni Kiko under Vivamax ulit, ang “Us X Her” na muli niyang makakatambal si AJ alongside Viva artist Angeli Khang.
Tsikang inspired daw gumawa muli si Kiko ng sexy movies pag si AJ ang kanyang ka-love scenes?
“I’m interested in good roles and nothing else. I love this project because of the script, when I read the script, I had to call Direk Jules Katanyag right away.
“And I went there and we shot it. So I have no idea kung paano ko siya gagawin, but Direk Jules guided me throughout the process, and everyone in the production was so nice to me. So it was an experience of a lifetime, and I would forever remember this role,” say ni Kiko.
Kumusta naman kaya ang working relationship nila ngayon ni AJ sa bagong movie na pinagsamahan, ang “Us X Her”?
“Everyone in the cast is really good, Angeli was good, AJ was good, Direk was phenomenal, the script was phenomenal, the production was phenomenal,” dagdag na say ni Kiko.