Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MARAMING ginulat si Angel Guardian dahil sa mga episode ng Running Man Philippines ay nakikitang palaban siya sa mahihirap na physical challenges sa show.
“Actually ako din,” at natawa si Angel.
“Actually wala akong sports, wala akong sports. Batang-kalye naman po ako noon, kaya ko naman yung piko, ganyan, pero wala po talaga akong sports.”
Marami rin ang nagulat dahil kahit na maituturing na baguhan ay sunud-sunod ang projects niya, heto nga at nag-overlap pa ang Running Man Philippines at Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
“Thank you Lord po talaga! Sobrang blessed lang po talaga.”
Kinaiinggitan na nga yata siya ng ibang Kapuso female artists.
“Ay naku po, wala po, ayoko po ng inggit,” bulalas ni Angel.
***
LAHAT ng proyekto ng teen actress na si Jhassy Busran ay sinimulang gawin at natapos sa gitna ng pandemya ng COVID-19, kaya naman ang biro namin kay Jhassy ay siya ang tinaguriang Pandemic Actress.
Ang mga nagawa na ni Jhassy ay ang indie film na Caught in The Act, ang online series na Genius Teens at ang soon-to-be-shown na pelikulang Home I Found In You.
At ang latest, si Jhassy rin ang tinagurian naming Pandemic Endorser dahil pinakaunang endorsement niya ang Winkle Tea & Winkle Donut ngayong may pandemya pa ring nagaganap.
Bongga ang Winkle Tea dahil ang milk tea product nila ay may collagen at glutathione kaya masasarapan ka na, gaganda at kikinis ka pa.
Healthy indulgence naman ang Winkle Donuts dahil Stevia ang ginamit kaya safe para sa mga diabetic.
Ang Winkle Tea & Winkle Donuts ay negosyo ni Whinie Marata (Owner and President) at franchisee (Ayala Malls Feliz branch) si Curby de Vera.
Ang iba pa nilang existing branch ay sa Ayala Mall the 30th at sa The Globe Tower BGC, Taguig City branch.
Open din for franchise ang Winkle Tea & Winkle Donut, tumawag lamang sa numerong 0995-551430.
***
BATANG paslit pa lamang daw siya ay naglalaro na siya ng basketball, ayon kay Jeric Gonzales.
“Since ano siguro, mga grade 3, grade 4, nagba-basketball na talaga ako. Mostly sa school ako naglalaro talaga, and then sa amin sa Calamba kung saan ako lumaki.
“Ano talaga naging basketball addict talaga ako kasi parang, tambay ako sa court dati, dati ang itim ko ang payat ko,” kuwento sa amin ni Jeric.
Sa paglalaro niya ng basketball may pagkakataon ba na napikon si Jeric o may nakainitan siyang kapwa player?
“Naku pag nasa game medyo ano nga ako e, competitive talaga! Medyo mainit ako pag naglalaro,” at natawa ang Start-Up PH actor.
“Malayung-malayo sa personality ko outside the court. Kaya minsan kapag ganun yung… may mga players na mainit yung ulo sa court talagang hindi mo masasabi kasi sa labas mabait sila pero pag sa court alam mo yung talagang nakikipagbalyahan.
“Ako nakikipag-ano talaga ako,” at muling tumawa si Jeric.
“Pero hanggang balyahan lang raw siya, hindi pa naman raw niya naranasan na makipagsuntukan sa kapwa player.”
“Hindi pa naman umabot sa ganun. Kasi baka mabangas ang mukha ko,” at natawang muli si Jeric.